Chapter 4: WORST DAY EVER!!!

3.8K 54 1
                                    

**********
Chapter 4
**********

Tiningnan ni Kit ang speech na ipinakita sa kanya ng principal.

Tsk. Pinigil niyang mapailing. Sobrang daming grammatical errors..

''It is your responsibility.. blah. blah. blah.'' pagpapatuloy sa pagsasalita ng Principal sa harap niya.

He does not want to be rude pero bakit ngayon lang sa kanya sinabi na mag-aaddress siya ng isang speech sa harap ng buong student body in just a few minutes?

Are they trying to sabotage his credibility as the Student Council President?

Hindi na kataka-taka iyon, dahil hindi nga siya ang gustong manalo nito noong last election, kundi ang apo nito na nakalaban niya dahil sa landslide win.

''May problema ba Mr. Jansen?'' tanong sa kanya ng Principal.

''No, Sir..'' ngumiti siya. Ano pa bang magagawa niya sa ganitong sitwasyon. Punong puno ng confidence and boses niy na ikinagulat ng Principal.

''A-ahh.. V-very well then. O-on with the f-flag c-ceremony.'' nagpapanic na sabi nito na mukhang napansin ang pagiiba ng aura niya.

Tumayo na siya at lumabas sa opisina nito. Did he really think that wilk be enough to rattle him?

Sumalubong naman sa kanya ang ibang miyembro ng student council. Swerte pa rin siya dahil responsable ang mga members niya.

''Kit, is there something wrong?'' tanong sa kanya ni Victoria, ang vice-president ng student council at classmate niya.

''Nothing's wrong..'' sabi na lang niya para hindi na ito magalala. ''Mag-ready na lang tayo para sa flag ceremony..''

Agad namang sumunod ang mga kasama niya. Naiwan sila ni Victoria sa desserted hallway.

''It's the Principal again, right?'' mahinang tanong ni Victoria kahit sila lang dalwa ang tao doon. Alam naman nito ang hindi nila pagkakasunduan ng principal.

''It's fine.. Although I'm a bit tired of his schemes.'' ngumiti siya para hindi na ito mag-alala pa. "Kulang na lang sabihin niya sakin ng diretcho na bumaba na ko sa pagka-President.

''Well, no matter what.. nakasuporta lang kami--''

Naputol ang sasabihin ni Victoria nang may bumalik na miyembro ng council.

''Magsisimula na daw po tayo..'' sabi nito.

''Susunod na kami..'' sabi niya at sabay na silang bumaba ni Victoria.

***

Sa lahat naman ng araw na malelate siya, ngayon pa!

Hanggang madaling araw kasi ay iniisip niya ang ibibigay na love letter kay Kit. Hindi tuloy siya nakatulog.

Masyadong nakakaexcite at nakakakaba!

Buti na lang may morning assembly pa kaya hindi siya malalate sa klase. Sumasang-ayon na ba ang kalawakan sa kanya?

Tumakbobo na siya papunta sa school grounds.

*Huff*

*Huff*

BAAM!!!

Muntik na siyang tumaob sa pagkakabangga sa kasalubong. Buti na lang at nakapagbalance agad siya. Yes!

''I'm so--''

''BULAG KA BA?! TUMINGIN KA SA DINADAANAN MO HUWAG KANG TATANGA-TANGA!'' putol sa kanya ng nakabanggaan.

Sealed With A KissWhere stories live. Discover now