Chapter 68: Forgiven

1.6K 22 1
                                    

@@@@@@

Chapter 68

@@@@@@

++MIO++

Nakatingkayad ako habang naglalakad para hindi makalikha ni ingay..

Mabilis ang tibok ng puso ko habang papalapit ako ng papalapit sa pinto ng kwarto ni Kit.

It was seven in the morning, at dahil sabado, I'm sure mahimbing pa ang tulog ng hal ko.

Hindi ko napigilang mapangiti habang nakahawak ang kamay ko sa doorknob. First time kong makakapasok sa kwarto ni Kit at hindi ko maiwasang mag-isip kung ano ang makikita ko sa kwarto niya.

Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay napangiti ulit ako.

Siguradong mukha na kong baliw sa kangingiti ko..

Malinis ang kwarto ni Kit na hindi ko inaasahan dahil nasanay akong makalat ang kwarto ng mga lalaki dahil kay MV. Kulay dark blue ang mga pader at makintab at madulas ang dark wood flooring na inaapakan ko. May isang malaking built in bookshelf sa tabi ng isang malaking antique desk na may laptop sa ibabaw.

Naka-on ang laptop ni Kit at ng lapitan ko ito at ginalaw ang mouse ay nagulat ako at napangiti ulit ng makita na ang picture namin na magkasama ang screen wallpaper niya. Kahit matagal ng kami ni Kit, hindi ko pa rin maiwasang kiligin.

Nakatingkayad na ulit akong naglakad papalapit sa king sized bed kung saan natutulog ang hal ko.

Lumapit ako pababa sa kama para titigan ito habang natutulog. Grabe.. bakit ang gwapo pa rin niya kahit natutulog? Lalo pa ngang nakadagdag sa kagwapuhan ni Kit ang magulo niyang buhok..

Ito ang isa sa mga panahong sobrang proud akong boyfriend ko ang lalaking nasa harapan ko. Sino ba namang magaakalang ako, si Mio Vanessa Okita, ay mapapansin at mamahalin ng isang Skitter Jansen?

Nagulat na lang ako ng bigla kong naramdaman ang kamay ni Kit na pumupulupot sa bewang ko para ilapit ako lalo sa kanya. Sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa at nakita kong napangiti si Kit habang nakapikit pa rin.

''Nananaginip ba ko?'' mababa ang boses ni Kit at parang kakaiba ito sa normal na boses niya, dahil na rin siguro sa kakagising pa lang niya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at mabilis kong hinalikan si Kit sa pisngi. ''Ano sa tingin mo?'' nakangiting tanong nito.

Nagulat naman ito at agad na napamulat. Nang makita niya ang distansiya namin sa isa't isa ay napangiti ulit ito at mas lalo pa kong inilapit sa kanya.

''And who do I owe the pleasure of having you in my room?'' bulong ni Kit sa tenga ko at pinigilan kong huwag mapatawa dahil medyo nakiliti ako sa ginawa niya.

''Your mom..'' sagot ko habang mas niyayakap ako ng mahigpit ni Kit. ''Halos ipagtulakan ako ni Tita dito pataas. Ako na daw ang gumising sa'yo..''

''Hmm..'' 'yun lang ang sagot sakin ni Kit at hindi ko napigilang mapagalaw ng maramdaman ko ang hininga ni Kit sa may leeg ko.

Natatawa ko itong pinalo sa balikat.''Ano bang ginagawa mo, hal?''

Ibinalik nito ulit ang ulo niya sa may balikat ko at ibinaon ito sa may leeg ko. ''I like your smell.. it's.. really.. nice..'' Hindi ko na mapigilang mapatawa dahil nakikiliti na talaga ako sa ginagawa ni Kit.

''K-kit! Haha, t-tama na, hahaha. Nakikiliti haha ako!'' sinubukan ko itong itulak pero mas malakas pa rin ito sakin at lalo pa niya akong kiniliti.

Nang mapagod na ito sa kakakiliti sakin at ng masakit na ang tiyan ko sa kakatawa ay medyo lumayo na ito sa pagkakaibabaw sakin at humiga na lang sa tabi ko pero nakayapos pa rin ang isang kamay nito sa bewang ko.

Sealed With A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon