Chapter 64: Until That Day

1.5K 21 7
                                    

@@@@@

Chapter 64

++JEN++

Pabalik-balik akong naglakad sa labas ng school nina Wyn. Hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung galit pa rin siya sakin sa ginawa ko..

Pagkatapos ng huling paguusap namin ni Wyn ay bumalik ako sa America ng walang paalam. Akala ko mawawala lahat ng sakit pero andun pa rin eh. Mas masakit pa lalo..

Alam ko nag-alala si Wyn sa ginawa ko. Isang beses lang ako tumawag para ipaalam na wala na ko sa bansa at hindi na muli pang nagparamdam.. hanggang sa hindi ko na kinaya at napilitan na naman akong tumakas kina Papa para lang bumalik dito sa Pinas.

Gusto ko lang makausap si Wyn.. kahit sa huling pagkakataon. Gusto ko lang matapos ng maayos ang mga bagay na lagi na lang namin isinasantabi.

Para akong naging tuod ng makita ko na siya. Ilang linggo pa lang na hindi ko siya nakikita parang mas lalo na naman siyang naging gwapo..

Swerte kung sino man ang Missa na 'yun. Swerte siya dahil siya ang mahal ng mahal ko..

Nanlaki ang mata ni Wyn ng makita niya ako. Dali-dali siyang naglakad papalapit sakin at hindi ko inaasahang ganun siya kagalit sakin na nagawa niyang sumigaw.

''What the hell, Jen?!'' Tatlong salita lang iyon ngunit ramdam na ramdam ko ang sari-saring emosyong naipon niya dahil sakin.

Galit, inis, pag-aalala.. At naiintindihan ko kung bakit ganun ang nararamdaman niya.. Kasalanan ko.

''Sorry..'' napatungo ako. Lagi akong nangangakong hindi ko na siya pag-aalalahin pero eto na naman. Lagi ko na lang nababali ang pangako ko sa kanya.

Nagulat ako ng hapitin ako ni Wyn palapit sa kanya. Niyakap niya ko ng mahigpit na para bang natatakot siyang mawala ulit ako.

Hindi ko na napigilang yapusin din siya ng mahigpit. Hindi niya lang alam kung gaano kahirap sakin ang lumayo sa kanya. Pero kaylangan.. kaylangan na.

''Wyn..'' nagdadalwang-isip akong umalis sa pagkakayapos niya.

Tumingin lang ito sakin. Pakiramdam ko ay nababasa niya lahat ng iniisip ko kapag tinititigan niya ako ng ganito.

''Gusto sana kitang makausap..''

@@@@@

''Asan tayo?'' inabot ko kay Wyn ang helmet niya at tumingin sa paligid.

Nang maalala ko ang lugar ay agad akong tumingin kay Wyn. Nakatingin lang ito sakin na para bang may malalim siyang iniisip. Ngumiti ako sa kanya.

''Naalala mo na?'' ngumiti na din si Wyn at naglakad na rin sa tabi ko.

Tumango ako, hindi ko pwedeng makalimutan ang lugar na 'to.

Nung sinabi ko kay Wyn na gusto ko siyang makausap, sinabi niya sakin na pumunta muna kami sa lugar kung saan tahimik at makakapagusap kami ng maayos.

Pero hindi ko alam na dito pala niya ko dadalhin..

Siguro sa iba, isang simple at lumang playground lamang ito. Pero para sakin, ito ang lugar ng magagandang alaala.

Malapit ito sa bahay namin dati dito sa Pinas. Madalas kaming maglaro dito ni Wyn dati.. at dito rin siya nagpropose sakin.

Natawa ako bigla ng maalala ko ang madungis na batang lalaki at ang iyaking batang babae na naging pangalwang bahay ang lugar na ito..

Naupo ako sa isa sa mga swing at naupo din si Wyn sa tabi ko. ''Anung gusto mong pag-usapan, Jen?''

Huminga ako ng malalim. Shemay namang mga luha 'to oh. Maya maya naman kayo pumatak.

Sealed With A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon