Chapter 53.2: Back Together 2

1.6K 26 6
                                    

eto na ZayLee fanatics. :)

hold your breath for awhile and enjoy!

@@@@@@@@@@

Chapter 53.2

++ZAYDIE++

''Ikaw, Zie, anung gusto mo?'' tanong sakin ni Candice habang nakatingin sa menu.

''Umuwi..'' mahinang bulong ko.

''Ha?'' nakangiting tanong nito ulit sakin.

''Ito na lang blueberry cheesecake at ice coffee.'' sagot ko.

''So isa pong set ng clubhouse sandwiches, blueberry cheesecake, choco mousse, banana-apple pie, dalwang ice coffee at isang creamy vanilla latte..'' ulit ng waiter sa order namin at tumango naman si Lee.

''So, how long have you known each other?'' Candice asked, breaking the silence.

''Simula nung June.. so I guess almost seven months?'' tanong naman ni Lee sakin.

Tumango lang ako bago umiwas ng tingin. Seven months..

Matagal-tagal ko na din palang kilala itong si Lee.

''Kami ni Lee, nine years ng magkakilala.'' nakangiti at proud na proud na sabi ni Candice.

Oh so, ano? Pahabaan ba ang labanan? Tsk. Tsk.

''Alam mo, Zaydie.. Nagulat ako when I found out that you and Lee are--''

''Si-CR lang ako.''

Bigla akong tumayo at naglakad papunta sa cr ng coffeeshop. Bastos na kung bastos.

Ayoko lang talaga makipagusap sa kanila ng matagal. Alam ko kasing maipapamukha na naman nila sakin na ''kaibigan'' na lang ako ni Lee ngayong andito na siya. At para akong sinasakal..

Pumasok ako sa CR at dun na bumuhos ang luha ko.

Ako lang ang tao dito kaya naman humagulhol na ko ng humagulhol. Ang sakit. Ang sakit talaga..

Kaya ko naman eh, basta hindi ko lang siya nakikita. Dapat umiwas na lang ako ng umiwas, para hindi na ako masaktan.

Bigla akong napatigil ng marinig kong may magbukas ng pinto. Agad kong pinunasan ang mga luha ko at kunwa-kunwariang naghugas ng mukha.

''Zaydie.'' tumigil ako para lingunin si Candice. ''Are you alright? I thought I heard someone crying.''

Tinuyo ko na ang mukha ko at pinilit na tumigil sa paghagulhol. ''Ha? Oo naman.''

Ngumiti naman si Candice. ''Probably just my imagination.'' nagbukas ito ng bag at kinuha ang powder para magretouch.

''I have a question..''

Tumigil ito sa ginagawa at tumingin agad sakin. ''Are you both happy.. Lee and.. you?''

Isinarado nito ang powder bago sumagot. ''Of course.'' ngumiti ito. ''I'm happy kasi naitama ko yung mga mistakes ko dati at nagkaayos na kami. Akala ko kasi hindi na mangyayari 'yun..''

''I see..'' pinigilan ko ang pagpatak ng luha ko at nauna ng lumabas sa CR. Hindi ko na talaga kinaya at dumiretso na rin palabas ng coffee shop.

Naglalakad na ko ng mabilis ng mapatigil ako dahil may humawak bigla sa braso ko.

''Lee..''

Galit na mukha ni Lee ang sumalubong sakin pagharap ko.

''What the hell, Zaydie?! Sana naman magpaalam ka muna bago ka umalis! Damn it!'' napasuklay ang kamay nito sa buhok sa sobrang inis.

Sealed With A KissWhere stories live. Discover now