CHAPTER 27 - THE FARM

27 2 0
                                    

YSHANA'S P.O.V

Na sa byahe pa rin kami.

"Sabi mo Shan sa base n'yo kami dadalhin, anong itsura ng base n'yo?" Pagtatanong ni Xian.

"Farm." Sagot naman ni Shan.

"Maraming tao doon?" Pagtatanong ni Jay.

"Marami rin, nag liligtas din kami ng mga survivors at dinadala namin sa farm para may maayos silang matulugan at may makain, marami kaming mga tanim na gulay at mga prutas do'n.... malapit din kami sa ilog kaya hindi kami nauubusan ng tubig may mga alaga rin kaming mga hayop do'n at isa pa, malayo kami sa city at wala pang zombie na nakakarating do'n kaya magiging safe kayong lahat do'n." Si Shan.

"So tutulong lang kami sa inyo sa mga gawain n'yo doon?" Pagtatanong ni Samara.

"Yes, tutulong kayo mag tanim at mag pakain ng mga alaga naming hayop." Sagot naman ni Shan.

Medyo malayo rin yung byahe dahil kanina pa tanong nang tanong si Xian kung malapit na raw kami pero malayo pa raw sabi ni Shan.

Hanggang sa tuluyan na kaming inabot ng hapon.

"Ito na ba yun? Ang tagal ng byahe natin." Si Xian.

David's Farm.

Nakasulat doon.

"David's Farm." Pagbasa ni Jay.

"Kaano ano mo si David?" Pagtatanong ni Jay.

"S'ya yung may ari ng buong farm at wala akong koneksyon sa kan'ya, matanda na s'ya at may tatlo s'yang anak... dalawang babae at isang lalaki. Isa ako sa mga nirescue nila kaya malaki ang utang na loob ko sa kanila dahil niligtas nila ako kaya tumutulong ako sa kanila at pinapalaki pa namin ang farm at makakatulong kayo sa'min." Sabi ni Shan.

"Ang galing ah." Si Xian.

"Yes yes, sino pala ang leader ng grupo n'yo?" Pagtatanong ni Shan.

"Si Jay at Boss A." Sabi ni Xian.

"Okay, ipapakausap ko kayo kay na Lolo David." Sabi ni Shan.

Hanggang sa tuluyan na nga kaming nakapasok sa farm nila at ang lawak nito. Madami nga ring tao pero hindi kagaya ng rami nung na sa air port pa kami.

Itinigil na ni Shan yung school bus sa gilid.

"Tara na bumaba." Sabi ni Shan at sumunod kami sa kan'ya.

May matanda namang lalaki ang  papalapit sa amin at may kasama s'yang dalawang babae at isang lalaki. Ito na yata si David at yung mga anak n'ya.

"Shan ikaw pala, ilang araw kang nawala... nag alala ako sa'yo." Sabi nung David at niyakap si Shan.

"Okay lang po ako, may mga kasama po pala ako... tinulungan ko sila sa city at galing po sila sa air port." Sabi naman ni Shan at tiningnan kami nung David.

Lumapit naman si na Boss A at Jay doon at nakipag kamay.

"Ako ang leader nila at ako si Adrian, Boss A for short." Sabi ni Boss A.

"Ako naman ho si Jay ang nag lead sa kanila nung una palang." Si Jay.

"Ako si David ang may ari ng farm na 'to, ito naman ang tatlo kong anak... ang katulong ko sa pag asikaso dito sa farm. Ito si Bry ang panganay kong anak, ito naman si Amanda ang pangalawa kong anak at ito si Sadie, ang bunso kong anak." Sabi ni David.

"Hello po." Si Sadie, sa tingin ko ka age lang namin s'ya.

"Hello sayo." Sabi naman ni Boss A at nginitian naman ni Jay si Sadie.

Zombie Apocalypse - Bad Blood (On-going)Where stories live. Discover now