CHAPTER 29 - THE FARM

25 2 0
                                    

YOHAN'S P.O.V

Agad naman na may dumating na tulong kanina at inaasikaso na nila yung buntis, buti na lang doctor yung anak ni David na si Bry kaya alam na n'ya yung mga gagawin.

Paalis na rin kami ngayon ni na Shan, Seven at Ellie.

Inutusan na rin kami ni Bry na kumuha nung mga pinapakuha n'ya, hindi ko alam kung ano ang mga 'to pero sinulat naman n'ya. Basahin ko na lang daw yung mga pangalan.

"Mag iingat kayo ah." Si Yshana at kasama n'ya si na Samara, Jay, Mina, Akiro at yung iba pa.

"Ingat kayo Seven." Si Jay.

"Sana mahanap n'yo na sila, miss ko na sila." Si Samara.

"Gusto ko sanang sumama eh." Si Xian.

"Tumigil ka nga, may gagawin pa tayo oh." Si Samara.

Nag paalam na rin kami sa kanila at umalis na kami sa farm.

Si Ellie lang yung naka sakay doon sa sasakyan n'ya. Kami naman ni Seven ay nandito sa school bus at si Shan yung nag d-drive.

"Saan tayo mag sisimulang mag hanap?" Pagtatanong ni Shan.

"Wala pa nga tayo doon nag tatanong ka na agad." Sabi ko kaya naman tumawa si Seven.

"Siguro doon muna tayo mag hanap malapit sa air port, baka na sa mga convenience store sila." Si Seven.

"Sige sige." Si Shan.

Patuloy nga lang kami sa byahe hanggang sa nakarating na kami sa city kaya tumigil na muna kami sa tapat ng sasakyan ni Ellie.

"Dito na tayo mag hihiwalay." Si Ellie.

"Mag iingat ka." Sabi ko.

"Kayo rin, baka mauna na kaming makabalik sa farm... sumunod na lang kayo agad pag nahanap n'yo sila." Sabi ni Ellie bago s'ya tuluyang umalis.

"Tara na." Si Shan at pinaandar na ulit yung school bus. Mag sisimula na kaming mag hanap sa kanila.
.
.
.
.
.

THIRD'S P.O.V

Naglalakad na kami ni Olivia ngayon sa city at sa mga sign lang sa kalsada kami tumitingin ni Olivia para malaman naman kung saan kami dadaan papunta sa kabilang city.

Nakakapagtaka lang dahil pag kagising na pag kagising namin ni Olivia ay walang kahit isa na zombie sa labas at kung saan. Hindi ko alam kung matatakot ba kami o hindi dahil saan na napunta yung mga zombie? Parang bula silang nag laho.

Kanina pa kami nag lalakad ni Olivia pero ni Isang anino ng zombie wala kaming nakita.

Sobrang tahimik ng paligid.

"Nasaan kaya yung mga zombie?" Pagtatanong ko kay Olivia.

"Kanina ka pa tanong nang tanong sa'kin Third, naka ilang ulit ka na." Si Olivia at tumawa.

"Ano bang mas gusto mo? Tahimik tayong nag lalakad o hinahabol tayo ng mga zombie rar!" Si Olivia.

"S'yempre yung ganito, nakakapag taka kasi eh...  saan na kaya napunta yung mga zombie's." Ako.

"Hayaan mo sila, pag nakarating tayo sa next city doon maraming zombie at baka katapusan na natin." Si Olivia.

"Sana mahanap na natin si na Kuya Seven, miss na miss ko na silang lahat." Sabi ko naman.

"Speaking of Seven, tingnan mo yun." Si Olivia at tinuro ang isang school bus na nasa malayo.

Sila kaya yon.

Agad naman kaming tumakbo papunta ni Olivia doon.
.
.
.
.
.

YOHAN'S P.O.V

Zombie Apocalypse - Bad Blood (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon