CHAPTER 2

96 6 0
                                    

THIRD'S P.O.V

Kanina ko pa naririnig na may naglalakad kaya agad akong lumabas ng kwarto baka sina Ate Yshana at Samara 'yun. Tinawag ko na rin 'yung mga pangalan nila, pero hindi sila sumagot.

Papunta na ako sa kwarto nila.

Dahan dahan Kong binuksan 'yung pinto at laking gulat ko ng makita ko 'yung dalawang lalaking nasa harapan ko. Agad akong tinutukan ng baril nung isa, yung isa namang lalaki ay tinutukan ako ng kutsilyo.

Paano sila nakapasok dito.

Kinakabahan ako.

Nasaan sina Ate Yshana.

"Bakit kayo nandito? Sino kayo?" Pagtatanong ko sa kanila.

"Sinong kasama mo dito? Ilan kayo?" Pagtatanong nung isang lalaki. (Boy 1)

"Wala ako lang..." Ako.

"Sinungaling." (Boy 1)

Agad kong nakitang lumabas sina Ate Yshana at Samara sa ilalim ng higaan.

Doon pala sila nagtago.

"Apat kayong nandito, kanina pa namin kayo sinusundan, magsisinungaling ka pa ah." (Boy 1)

Akmang sasaksakin nya na ako pero agad 'yung natulak ni Ate Yshana, napakagat naman ako sa labi ko dahil nadaplisan ako nung kutsilyo at nagkahiwa sa braso.

Agad namang inagaw ni Samara 'yung baril doon sa lalaki (Boy 2), pero nahablot nito 'yung buhok ni Samara.

"Aaahhh! Bitawan mo ko!" Si Samara.

Agad namang tinulak nung isang lalaki (Boy 1) si Ate Yshana kaya natumba sya.

Agad naman akong lumapit doon sa isang lalaking sumasabunot kay Samara at agad kong sinuntok 'yun sa mukha, nabitawan naman nya si Samara.

Tumakbo naman palabas ng kwarto si Samara.

Agad naman akong nabawian ng suntok nung lalaki (Boy 2) sa mukha kaya natumba ako at napaupo.

"Aaaahhhh t-tangina mo!" Sigaw ni (Boy 1) sa sakit dahil sinaksak sya ni Ate Yshana sa binti.

Agad namang sinipa nung lalaki (Boy 1) sa mukha si Ate Yshana kaya agad kong hinugot 'yung kutsilyo sa binti nya at sinaksak 'yun sa hita nya.

Tuluyan na syang napaluhod at dumaing sa sakit.

Nagulat naman ako ng bigla akong tutukan ng baril nung isang lalaki (Boy 2).

"Ibaba mo 'yan." Boses ni kuya at nakatutok kay (Boy 2) 'yung shotgun ni Kuya.

Agad kinuha ni Samara 'yung hawak na baril ni (Boy 2), lumapit naman si Samara kay Ate Yshana.

"Yshana ayos ka lang? Anong nangyari sayo?" Si Samara.

Dumudugo 'yung ilong nya at labi.

Agad naman akong tumayo at binawian ng sipa sa mukha si (Boy 1) kaya napahiga sya.

"Hayop ka! Anong ginawa mo kay Yshana!" Si Samara at pinagsisipa sa mukha at ulo si (Boy 1)

Hindi ko na sya inawat, galit na galit kasi sya. Maya maya pa ay tumigil nadin si Samara.

Putok na 'yung labi at dumudugo na 'yung bunganga ni (Boy 1) dumudugo rin 'yung ilong nya.

"Anong gagawin natin sa kanila?" Pagtatanong ko kay Kuya.

"Hindi pa ba natin sila papatayin? Tingnan mo 'yung ginawa nya kay Yshana at Third, tapos 'yang lalaki na 'yan ay sinabunutan ako." Si Samara at galit na galit.

Zombie Apocalypse - Bad Blood (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon