CHAPTER 6

45 5 0
                                    

ARCHIE'S P.O.V

"Bibigyan ko kayo ng ilang minuto para lumayo, tumakbo kayo, umalis na kayo." Si Wayne kaya napatingin si Kyu sa kanya.

"I-iwa-iwanan m-mo n-na a-ako." Nauutal  kong sabi kay Kyu at umiling naman sya.

Inalalayan at tinulungan nya akong tumayo, ini-akbay nya 'yung kaliwang braso ko sa balikat nya at inalalayan nya akong maglakad.

"Hindi kita pwedeng iwan gago ka ba?" Si Kyu habang umiiyak.

"W-wag k-ka n-ngang u-umi-miyak." Nauutal ko pang sabi kay Kyu.

Hindi ko na masyadong maaninaw si Kyu, halos pumikit na 'yung mga mata ko dahil sa mga suntok ni Wayne, manhid na manhid na 'yung mukha ko at wala akong maramdaman. Naririnig ko na lang 'yung pag iyak ni Kyu.

"Wag ka nang magsalita gago ka, hindi kita iiwan dito ng ganyan lang." Si Kyu habang umiiyak.

Kaya hindi ko narin napigilan ang sarili ko at napaiyak na rin ako.

Hindi pa kami masyadong nakakalayo sa kanila ng biglang.....

"BAANNGG!"

"BAANNGG!"

"BAANNGG!"

Tatlong putok ng baril ang narinig namin kaya lumingon sa likod si Kyu.

Napatigil naman ako sa paglalakad kaya tumingin si Kyu sa akin.

Natamaan ako.

"K-kyu." Sambit ko at tumingin kay Kyu bago ako tuluyang bumagsak sa mga braso nya.

YOHAN'S P.O.V

"Nagkakagulo na sa labas, naglabasan na 'yung mga tao sa mga room, anong gagawin natin?" Sabi nung isang babae. (Mina)

"Hindi nila napigilan si Stacie, labas lang ako." Sabi ko sa kanila.

"Samahan na kita." Si Yshana.

"Tara." Ako.

Lumabas na nga kami.

"Tinititigan ako nung Seven, nag seselos ba sya?" Pagtatanong ko kay Yshana.

"H-hindi, hindi ko alam, hayaan mo na lang." Si Yshana.

"Nasaan na kaya sila." Ako.

"M-may zombie! Zombie!" Sigaw nung isang lalaki kaya napatingin kami ni Yshana doon.

"H-hindi." Si Yshana.

Si Kyu ba 'yun.

"Si Kyu 'yun diba, Kyu!" Si Yshana at tumakbo papunta doon agad naman akong sumunod.

Duguan 'yung mukha nya, pati 'yung damit nya, hingal na hingal sya at umiiyak.

"Kyu? Anong nangyari?" Pagtatanong ni Yshana.

"K-kailangan na nating umalis dito." Si Kyu habang umiiyak.

"Anong ibig mong sabihin?" Si Yshana.

"Teka, kumalma ka muna, anong nangyari?" Ako.

"Si A-archie... p-patay na." Sabi ni Kyu na ikinagulat ko.

"H-ha? Paanong patay? Anong nangyari?" Si Yshana.

"Nasaan sya ngayon? Sinong may gawa?" Pagtatanong ko.

"Wayne 'yung pangalan nya, madami sila, sigurado akong papunta na sila dito." Sabi ni Kyu na ikinagulat.

Wayne......

May naaalala ako.

"Kailangan nating sabihin kay na Tasha 'to." Si Yshana.

Zombie Apocalypse - Bad Blood (On-going)Where stories live. Discover now