CHAPTER 37 - THE FARM

31 2 0
                                    

YSHANA'S P.O.V

"Gusto n'yo ba s'yang makita?" Pakinig ko pang pagtatanong ni Treyton.

"Dalhin n'yo nga 'yung bangkay no'ng lalaki dito, para naman kahit sa huling sandali makita pa nila ang kaibigan nila, may awa pa naman ako sa mga 'to kahit papaano.
.
.
.
.

JAY'S P.O.V

Dinala nga nila 'yung walang buhay na katawan ni Kyu sa gitna. Hindi ako makapaniwalang wala na s'ya, umiiyak pa rin si Yshana.

Tahimik lang kaming lahat na nakatingin doon, napatingin naman ako kay Mina at umiiyak na rin s'ya.

"Pasensya na talaga kayo pero wala na tayong magagawa." Sabi pa ni Treyton.

"Ganito na lang, tatapusin na natin ngayong gabi ang lahat ng ito para wala na tayong problema at hindi na ito humaba pa... siguro babawas pa ako ng tatlo sa inyo para patas na, okay ba 'yun?" Si Treyton.

"Tigilan mo na 'to!" Galit na sigaw ni Terrence kaya napatingin kami sa kan'ya.

"Ito na nga eh tatapusin ko na, gusto mo simulan ko sa'yo." Si Treyton at tinutok 'yung baril kay Terrence.

"Ngayon ramdam n'yo na, akala n'yo napakadali lang ng lahat... Kasalanan mo lahat ng 'to Yshana, kasalanan mo kung bakit namatay si na Papa." Sabi ni Bry kaya napatingin kami sa kan'ya.

"Kulang pa 'yan sa ginawa n'yo sa'min, nadamay kami dahil sa inyo." Dugtong pa ni Bry.

"Tumahimik ka nga!" Sigaw ni Samara sa kan'ya.

"Hayaan mo s'yang mag salita." Sabi naman ni Treyton habang papalapit kay Bry.

"Anong pangalan mo?" Pagtatanong ni Treyton kay Bry.

"Bry." Sagot n'ya.

"Bry... Hindi kita sasaktan pero sa isang kundisyon, susundin mo ang iuutos ko sa'yo." Sabi ni Treyton kaya napakunot ang noo ko.

Ano kayang binabalak n'ya.

"Ano? Susundin ko, susundin ko kahit ano." Sabi naman ni Bry at tumayo mula sa pag kakaluhod.

"Patayin mo 'yung leader n'yo, 'yung matandang 'yun oh... Yung malaki 'yung katawan." Sabi ni Treyton at tumuro pa kaya napatingin do'n si Bry.

Tinutukoy n'ya si Boss A.

Napatingin naman ako kay Akiro, nakakunot ang mga noo n'ya at nakakuyom ang mga kamay.

"Sa tingin ko s'ya 'yung pinaka malakas sa grupo eh, baka mabaliktad pa ang sitwasyon at baka s'ya pa ang pumatay sa'kin kaya unahan mo na." Sabi pa ni Treyton.

"Ito oh." Si Treyton at binigay ang isang kutsilyo kay Bry.

"Iyan ang gamitin mo para patayin s'ya, 'wag kang mag alala hindi s'ya pwedeng manlaban dahil kahit sino sa mga tauhan ko pwede s'yang paulanan ng bala sa oras na man laban s'ya." Sabi pa ni Treyton.

"Pero kung hindi mo s'ya mapatay gamit 'yan ako ang papatay sa'yo." Dugtong pa ni Treyton at kinuha na ni Bry 'yung kutsilyo kay Treyton.
.
.
.
.
.

AKIRO'S P.O.V

Hindi pwede.

Napatingin ako kay Lolo at nakatingin din s'ya sa'kin at nginitian pa ako.

Nakakainis.

Anong gagawin ko?

"Ano pang hinihintay mo? Patayin mo na s'ya at hahayaan kitang mabuhay kasama namin." Sabi ni Treyton ng nakangiti.

Hindi pwede, kinakabahan ako.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, nakayuko na lang ako at nabato na sa pwesto ko.
.
.
.
.
.

Zombie Apocalypse - Bad Blood (On-going)Where stories live. Discover now