CHAPTER 19

28 2 0
                                    

YSHANA'S P.O.V

Tuluyan na nga kaming nakalabas ni na Samara at Ara sa cr, mabuti na lang at dumating sila doon. Sa ngayon kailangan naming mahanap yung iba at umalis na rito.

"Kailangan nating makalabas, sigurado akong lumabas na rin yung iba.. makikita natin sila doon." Sabi ni Samara kaya agad kaming nag hanap ng malalabasan dahil ang dami ng mga zombie na binabaril ng mga sundalo.
.
.
.
.
.

KYU'S P.O.V

Nag kakagulo na sa buong paligid, ang dami na ng mga zombie at puro putukan na ng baril ang naririnig namin. Kasama ko si na Aerin at Terrence, tapos si Terrence lang yung may armas sa'min, meron s'yang baril.

Pinapalabas namin yung mga ibang tao dito sa may exit para makapunta sila sa military camp.

Yung mga papunta namang zombie dito ay binabaril ni Terrence.

"Aerin humingi ka ng tulong sa military camp." Sabi ni Terrence kaya napatingin ako sa kanila.

"Sige, hintayin n'yo ako." Sabi naman ni Aerin.

"Hindi, 'wag ka nang bumalik dito... pag nakita mo yung iba sumama ka na sa kanila." Sabi ko naman at tumango s'ya.

Tumakbo na rin s'ya palabas kasama nung ibang mga tao.
.
.
.
.
.

AERIN'S P.O.V

Dali dali na nga akong tumatakbo papunta sa military camp para humingi ng tulong. Hindi lang pala sa may loob may zombie pati na rin dito sa labas.

Nakita ko namang binabaril nung mga sundalo yung mga zombie na papunta doon sa kanila at nagulat na rin ako nang barilin nila yung mga taong walang kagat at hindi naman zombie kaya naman napatigil ako sa pag takbo.

Dumaan naman sa tabi ko yung isang matandang pilit na tumatakbo papunta sa military camp at pipigilan ko sana s'ya pero agad s'yang binaril ng isa sa mga sundalo kaya bumagsak yung katawan n'ya.

"Teka!" Sigaw ko pa.

Patuloy lang sila sa pag papaputok ng baril at lahat ng taong makita nila ay binabaril nila. Puro sigawan at iyakan ang naririnig ko sa buong paligid.

Agad ko namang nakita si sir. Dwight sa may military camp at nagulat ako ng barilin n'ya yung isa sa mga tao.

"Sir Dwight! Anong ginagawa n'yo?!" Pilit Kong sigaw at tumakbo na ako papunta sa kanila. Nagulat na lang ako ng may dumamba sa'kin na zombie kaya agad akong natumba at napahiga, nasa ibabaw ko na s'ya ngayon, hindi ko pala s'ya napansin na papalapit sa'kin kanina.

"Grawwrr!"

"Rawrr!"

"Rarwr!"

Yung zombie at gusto na n'ya akong kagatin pero pilit ko s'yang itinutulak pero ang lakas din n'ya.

"T-tulooong! Tulong!" Sigaw ko.

"Tulungan n'yo kooo!" Sigaw ko pa

Pero hindi ko na kinaya dahil kakagatin na ako nitong zombie sa mukha kaya agad ko namang hinarang yung braso ko sa mukha ko kaya ayun yung nakagat n'ya.

Naramdaman ko naman yung pagbaon ng mga ngipin n'ya kaya napasigaw ako sa sakit.

"Aaaaaaaaaaaaaahhhhhhh!!!" Malakas na sigaw ko.

*BANG!*

May bumaril sa ulo ng zombie na kumagat sa'kin kaya agad s'yang tumumba sa ibabaw ko. Duguan na ako.

Agad ko s'yang tinulak at inalis sa ibabaw ko at agad naman akong tumayo. Tumakbo pa rin ako papunta sa military camp para humingi ng tulong pero nakita ako ni sir. Dwight at tinutukan ako ng baril.

Zombie Apocalypse - Bad Blood (On-going)Where stories live. Discover now