CHAPTER 34 - THE FARM

37 2 0
                                    

YOHAN'S P.O.V

Napasigaw na lang sa sakit si Kyu ng hampasin s'ya ng bakal sa hita nung lalaki. Wala kaming suot na damit ni Kyu at naka boxer lang kami parehas. Bugbog na yung mga mukha namin at nakatali yung mga kamay namin sa taas kaya wala kaming magawa.

Pumwesto na yung isang lalaki at ako naman yung hahampasin n'ya sa hita.

Nung tumama yung bakal sa hita ko ay napapikit na lang ako sa sakit at napakagat sa labi ko bago ako tuluyang sumigaw.

Halos pumikit na yung isang mata ko dahil sa mga natanggap ko na suntok at sipa sa mukha kanina. Pinapaso rin nila ng sigarilyo yung katawan namin ni Kyu. Wala kaming nagawa ni Kyu kundi ang dumaing sa sakit.

Pinag tatawanan lang nila kami at nanonood pa yung Chad sa'min.

"Tama na 'yan, tama na.... yung tatlo naman doon sa kabila." Sabi ni Chad at napayuko na lang ako. Nag labasan naman na yung mga lalaki, isusunod na nila sina Seven, Third at Terrence.

Pumwesto naman si Chad sa harapan ko.

"Kamusta?" Pagtatanong n'ya at tumawa. Agad naman s'yang lumabas at sumunod na doon sa mga lalaki.

Dahan dahan naman akong tumingin kay Kyu. Tahimik lang s'ya at nakayuko.

"K-kyu?" Pagtawag ko pa sa kan'ya pero hindi s'ya sumagot.

"H-hindi k-ko na kaya...." Nauutal na sabi ni Kyu.

"G-gaganti tayo sa kanila." Sabi ko naman kay Kyu.

Naiinis ako sa galit.
.
.
.
.
.
.

SEVEN'S P.O.V

"Anong ginawa n'yo sa kanila?!" Galit na pagtatanong ni Terrence.

"Narinig n'yo naman siguro yung mga sigaw nila di ba." Sabi naman nung Chad.

"Bugbugin n'yo na yang mga 'yan." Sabi pa ni Chad at agad naman nila kaming pinag hahampas ng kahoy at pinag susuntok, pinag sisipa rin nila kami. Napadaing na lang ako sa sakit.

Nakahiga na si Third at patuloy pa rin s'yang pinag susuntok nung lalaki sa mukha. Agad ko namang sinugod yung lalaki at sinuntok din s'ya.

"Wag n'yo na s'yang idamay!" Sigaw ko sa kanila.

*********

Nakahubad na kami ni Terrence at naka boxer lang kami, naka tali yung mga kamay namin sa taas at hinahampas nila yung hita ni Terrence gamit yung bakal. Wala namang magawa si Terrence kundi ang sumigaw. Naramdaman ko na ring tumama yung bakal sa hita ko kaya napasigaw na lang ako sa sakit.

Si Third naman nakahiga pa rin doon at walang malay. Buti na lang hindi nila ginawa kay Third 'to dahil sigurado akong hindi n'ya kakayanin.

Pinapaso pa nila kami ng sigarilyo nila, paulit ulit lang yung ginagawa nila sa'min hanggang sa hindi ko na maramdaman yung mga hita ko.

"Tama na 'yan... kuhain n'yo yung isang lalaki at ihiwalay n'yo sa kanila." Sabi pa nung Chad tapos lumabas na sila kasama si Third.

Tumahimik naman dito sa loob.

Nakayuko lang si Terrence.
.
.
.
.
.
.

YOHAN'S P.O.V

Ang tagal din na pinakinggan namin yung mga sigaw ni na Seven at Terrence sa kabila. Sana okay lang sila.
.
.
.
.
.

THIRD'S P.O.V

Bigla naman akong nagising dahil naramdaman kong may gumising. Agad ko namang iminulat ang mga mata ko at nakita ko si Olivia. Nung pa upo na ako ay nakaramdam ako ng sakit sa katawan pati sa mukha.

Zombie Apocalypse - Bad Blood (On-going)Where stories live. Discover now