CHAPTER 41 - REVENGE

55 0 1
                                    

YSHANA'S P.O.V

Habang patuloy naming hinahabol si Victor ay dali dali s'yang pumasok sa isang pinto at agad naman n'ya 'yung nilock.

"Shit!" Si Akiro.

"Buksan mo 'to!" Sigaw pa ni Akiro at pilit na iniikot 'yung doorknob.

"Tabi." Si Liam at kinuha 'yung shotgun na nakasabit sa kan'yang balikat.

Umatras naman kami ni Akiro at agad na tinutok ni Liam 'yung shot gun sa may doorknob at....

BAANNGG!

Nasira 'yung doorknob at nag karoon ng butas 'yun, agad namang sinipa ni Liam 'yung pinto at agad kaming pumasok sa loob.

Nakita namin si Victor na pilit binubuksan ang isa pang pinto, pero hindi n'ya 'yun mabuksan dahil na ka lock.

"Wala ka ng takas." Si Liam at agad naman kaming hinarap ni Victor, kitang kita sa mukha n'ya ang takot at basang basa na s'ya sa pawis n'ya.

"T-teka lang haha... Ma-makinig kayo- " Takot na takot na sabi ni Victor.

"Tumahimik ka!" Sigaw ni Liam.

"Ma-maawa kayo, h-h'wag n'yo akong patayin, t-tutulungan ko kayong patayin si T-treyton... H'wag n'yo lang akong saktan." Takot na takot at nauutal na sabi ni Victor, nakasandal lang s'ya sa may pinto at nanginginig sa takot.

"Nasaan ang tapang mo, kailangan n'yong mag bayad, dahil sa inyo namatay ang lolo ko." Sabi ni Akiro at lumapit s'ya sa isang lamesa at kinuha 'yung martilyo na nakalagay doon.

Hahampasin n'ya si Victor gamit 'yung martilyo.

Napalunok naman si Victor.

"N-nag mamakaawa ako!" Sigaw ni Victor at napahagulgol na sa iyak.

"H'wag n-nyo kong sasaktan!" Dugtong pa n'ya.

"Barilin mo na lang s'ya Akiro, para matapos na 'to." Sabi ko kaya naman napatingin sa'kin si Akiro.

"Hindi, kailangan naramdaman n'ya 'yung sakit, kagaya nang pinaramdam nila kay Lolo... Kagaya nang naramdaman na sakit ni Kyu, kailangan nilang mag bayad." Sabi ni Akiro at agad na lumapit kay Victor.

"H'WAAAAGG!" Takot na sigaw ni Victor pero agad s'yang hinampas ni Akiro sa ulo gamit 'yung martilyo at napapikit na lang ako sa mga nakita ko.

Natahimik naman si Victor at napaupo, dumudugo na 'yung ulo n'ya.

"Gusto mo pa?" Pagtatanong ni Akiro.

"Ayaw n'ya mag salita." Si Liam at agad tinutok 'yung baril kay Victor.

BANG!

"AAAAARRRRRHHHHHGGG!!" Naiiyak na sigaw ni Victor ng tamaaan s'ya ng bala sa hita.

"Akala ko patay ka na eh, sumagot ka kasi." Si Akiro.

"P-parang awa n'yo n-na! T-tama na!" Sabi pa ni Victor habang umiiyak, puro dugo na 'yung mukha n'ya.

Bigla naman kaming nakarinig ng may paparating.

"GRAWRR!"

"RAWRRR!"

"Grrawr!"

Agad na sinilip 'yun ni Liam at dali dali rin s'yang pumasok at sumandal sa may pinto.

"May mga zombie!" Si Liam.

"GRAWRR!"

"RAWRRR!"

"RAWRRR!"

Yung mga zombie at kinakalampag 'yung pinto at pilit na binubuksan kaya naman agad kong tinulungan si Liam para itulak 'yung pinto at pigilan 'yung mga zombie na makapasok.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 07 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Zombie Apocalypse - Bad Blood (On-going)Where stories live. Discover now