CHAPTER 15

28 2 0
                                    

YSHANA'S P.O.V

Ayun nga nagkausap usap na about doon sa nangyari kanina. Kakausapin din daw ni sir Dwight 'yung mga nakaaway namin doon sa pila. Ewan ko kung anong sasabihin nila kay sir Dwight, basta ang alam ko nag sisinungaling sila. Hindi din namin alam ang dahilan kung bakit nila ginawa 'yun.

At isa pa 'yung tungkol kay Kianna, hanggang ngayon hindi pa rin namin s'ya mahanap. Hindi ko alam kung saan s'ya pumunta at ni isa sa'min walang alam kung nasaan s'ya ngayon. Sinabi rin namin kay sir Dwight 'yung tungkol kay Kianna at itatanong n'ya sa mga sundalo n'ya kung may nakitang lumabas doon. Dahil kahit saan kami mag hanap, hindi namin s'ya makita.

"So ano nang gagawin natin ngayon?" Pagtatanong ni Samara.

"Paano kung hindi nila mahanap si Kianna?" Pagtatanong naman ni Olivia.

"Edi tayo mag hahanap sa kan'ya." Sabi naman ni Travis.

"Pero baka mapahamak pa tayo kung hahanapin natin siya." Sabi naman ni Xian.

"Pero paano na si Kianna?" Pagtatanong ni Olivia.

"Wala na s'ya sa sarili niya, hindi natin alam kung anong pumapasok sa isip n'ya ngayon." Si Liam.

"Anong gagawin natin ngayon?" Pagtatanong ni Mina.

"Maging alerto, hindi natin alam kung anong pwede nilang gawin sa atin." Sabi ni Jay.

*******

Kalaliman ng gabi, nagising ako.

Mahimbing ang tulog ni na Mina at Samara. Lumabas ako ng tent para icheck kung may iba pang gising sa'min.

Nakita ko si Kyu.

Nag lalakad s'ya, ewan ko kung saan s'ya pupunta pero sinundan ko na lang s'ya.

Patuloy ako at dahan dahan sa pag sunod sa kan'ya. Ang layo na namin doon sa mga tao, sa mga tent na pinag tayuan namin. Hindi ko alam kung saan s'ya pupunta.

Nagulat ako ng napatigil si Kyu sa pag lalakad, napatigil din naman ako.

Nang biglang may lumabas na limang lalaki at tatlong babae sa harap ni Kyu. Sila yung kanina sa pila.

Anong ginagawa nila dito?

"Anong ginagawa mo dito?" Pagtatanong nung lalaki.

"Kasamahan yan nung mga bagong dating, yung naka away natin sa pila." Sabi nung babae.

"Bakit ka nandito? Pwesto namin dito, sinong nag sabing pwede kang dumaan dito?" Pagtatanong sa kanya nung lalaki.

"Hindi ako pumunta dito para makipag away, malay ko bang nandito pala kayo, pupuntahan ko sina Terrence." Sabi naman ni Kyu.

"Ganitong oras ng gabi pupunta ka don? Bakit?" Pagtatanong nung lalaki.

"Anong bang pakealam mo?" Pagtatanong ni Kyu.

"Ayusin mo yang pananalita mo, hindi mo kami kilala at hindi mo alam ang kaya naming gawin sa inyo." Sabi nung lalaki.

"Sino ba kayo?" Pagtatanong ni Kyu.

Nag pakilala naman sila kay Kyu.

Greg
Brix
Jacob
Luis
Trace

Yung mga pangalan nung limang lalaki.

Katrina
May
Bea

Yung pangalan naman nung tatlong babae. Si Katrina yung babaeng nag sasabing hinipuan raw s'ya ni Xian. Pero hindi ako naniniwala.

"Padaanin n'yo na'ko." Si Kyu.

"Bakit? Sabihin mo sa mga kasama mo makipag kita sa'min bukas sa may likod ng airport." Sabi nung Jacob.

Zombie Apocalypse - Bad Blood (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon