CHAPTER 11

42 4 0
                                    

KYU'S P.O.V

Tumakbo na nga kami papunta doon sa may subdivision.

Panay ang putukan ng baril ang naririnig namin.

Medyo nakalapit na nga kami.

"Bukas 'yung gate sa harap." Si Olivia.

"Sa likod tayo dadaan para sigurado." Si Travis.

"May mga zombie yatang nakapasok kaya nag kakagulo sila." Si Liam.

"Kailangan na nating hanapin sina ate Yshana." Si Third.

"Tara na." Si Jay.

YSHANA'S P.O.V

Nakalabas na nga kami ni Ken ng kwarto.

"Wag kang susunod sa'min." Si Yohan habang tinututukan ng baril si Wayne.

Nakalabas na din ng kwarto si Yohan.

Papunta na kami ng sala ng biglang may pumasok na lalaki at nagulat nung nakita kami ni Ken at ni Yohan.

Agad nya kaming tinutukan ng baril.

'BANG!'

Tumumba naman 'yung lalaki dahil binaril agad ni Yohan sa ulo 'yun.

Agad namang lumapit doon si Yohan at kinuha 'yung baril, agad nya 'yung binigay sa'kin.

"Tara na." Si Yohan at palabas na kami ng bahay.

"Teka." Boses ni Wayne kaya agad namin syang nilingon.

Agad namang tinutukan ni Yohan ng baril si Wayne.

KYU'S P.O.V

Sa likod nga kami dumaan at nakapasok na nga kami sa subdivision.

Nauna si Travis para silipin kung anong nangyayari doon at naghihintay kami dito, maya maya pa dumating na sya.

"Nagkakagulo doon, may mga zombie sa palagid, pwede tayong makisabay sa kanila." Si Travis.

"Third, i ready mo na 'yung mga smoke bomb." Si Jay.

"Okay." Si Third.

Nagtakbuhan na nga sila papunta doon.

Patuloy pa rin ang putukan ng baril sa paligid.

Nung medyo nakalayo na sila ay humiwalay na ako, hahanapin ko si Wayne.

"Hoy Kyu!" Pamilyar na boses kaya agad ko 'yung nilingon.

Si Seven.

"Saan ka pupunta?" Pagtatanong nya.

"Ikaw?" Pagtatanong ko din sa kanya.

"Nakita kasi kitang hindi sumunod sa kanila, kaya hindi rin ako sumunod." Si Seven.

"Hahanapin ko si Wayne." Ako at tumakbo.

Alam ko namang sumunod si Seven.

Papasok na sana ako sa isang bahay ng bigla 'yung sumabog na ikinagulat ko kaya napa atras ako.

Natamaan naman ako ng mga maliliit na debris sa mukha.

"Ayos ka lang?" Pagtatanong ni Seven.

"Oo, dito tayo." Ako at tumakbo ulit kami.

Nakita ko namang umusok na sa paligid, gumamit na sila ng smoke bomb.

Nasaan na kaya 'yung Wayne na 'yun.

'RAWWR!"

'BANG!"

YSHANA'S P.O.V

Zombie Apocalypse - Bad Blood (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon