CHAPTER 22

22 2 0
                                    

YSHANA'S P.O.V

Nandito na kami sa loob ng hospital at dahan dahan naming chinicheck ang bawat mga room at dadaanan namin dahil baka may zombie.

Hindi rin namin pinarada yung sasakyan sa harap ng hospital.

"Ano okay ba?" Pagtatanong ni Ara.

"Oo clear, walang zombie dito, icheck n'yo na yung loob." Sabi ni Travis.

Sobrang kalat dito, ang gulo gulo at may mga patay rin na mga tao at pasyente dito sa hospital. Ang baho na nila at nabubulok, kaya ang ginawa namin ni na Travis at Xian ay tinabunan namin sila ng mga puting kumot.

Kasama naman ni Ara si Samara doon.

Maya maya pa nakarinig kami ng sasakyan na paparating at agad naman yung tumigil sa harap ng hospital kaya nag ka titigan kaming tatlo ni na Xian at Travis.

"Pumasok kayo sa loob." Sabi ni Travis kaya agad naman akong pumasok.

"Sino 'yun?" Pagtatanong ni Samara.

"Hindi ko alam, tumigil sila sa labas." Sagot ko.

"Pumasok ka na rin dito Travis." Sabi ni Xian kaya naman agad na pumasok si Travis at dahan dahang sinarado yung pinto.

"Wag kayong maingay." Si Travis.

"Patayin mo yung flashlight." Sabi ko kay Ara.

"Ah okay, sorry." Si Ara.

"Okay lang." Sabi ko naman at kaming tatlo ni na Samara at Ara ay na sa likod ni na Travis at Xian. Habang si na Xian at Travis ay na sa harapan namin at nakatutok yung mga baril nila sa may pintuan.

Naramdaman na naming pumasok sila at narinig namin yung mga yabag ng paa nila at alam kong madami sila. Narinig din naming binubuksan nila isa isa yung mga pinto.

"Tanga." Mahinang sabi ni Travis.

"Bakit?" Mahinang pagtatanong din ni Xian.

"Yung pinto hindi ko na ilock." Mahinang sagot naman ni Travis.

"Gago ka." Mahinang sabi ni Xian.

"Tumahimik na nga kayong dalawa." Mahinang sabi rin ni Samara kaya naman tumahimik yung dalawa.

Nagulat naman kami ng biglang bumukas yung pinto at tinutukan nila kami ng flashlight. Hindi ko makita kung sino sila.

"Travis? Xian?" Pamilyar na boses at ibinaba na nila yung flashlight nila si Liam.

"Nandito sila." Si Jay na ikinagulat ko.

"Buti ligtas kayo." Si Yohan.

Nandito sila.

"Jay kayo pala." Si Xian.

"May problema tayo." Si Jay.

Agad naman silang pumasok sa loob.

"Ihiga n'yo na si Mina at Akiro." Sabi ni Boss A at gulat na gulat kami sa nakita namin, buhat buhat nila si Mina at Akiro. Duguan yung ulo ni Akiro habang si Mina naman ay duguan yung kamay at putlang putla na s'ya.

Agad nilang inihiga si Mina at Akiro at lumapit naman si Ara.

"Anong nangyari sa kan'ya?" Pagtatanong ni Ara.

"Hindi namin alam ang nangyari kay Mina pero si Akiro ay nauntog sa bato, habang tumatakbo sya at buhat buhat n'ya si Mina at natisod s'ya kaya agad namin silang dinala dito para gamutin, nandito rin pala kayo." Sabi ni Jay.

"Nakita lang namin sila sa daan." Sabi ni Yohan.

"Ang dami kong gustong itanong pero mas mabuti kung gamutin n'yo muna sila." Sabi ni Boss A.

Zombie Apocalypse - Bad Blood (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon