CHAPTER 13

41 3 0
                                    

YSHANA'S P.O.V

Kakatapos lang ng klase namin kaya lumabas na ako ng room para puntahan si Samara, ang ingay, lagi naman panay ang kwentuhan at tawanan sa hallway.

Habang naglalakad ako nakita ko 'yung isang babae na dumudugo 'yung ilong, kasama naman n'ya 'yung kaibigan n'ya kaya hindi ko na rin pinansin nag patuloy lang ako sa paglalakad para puntahan si Samara sa room n'ya.

Maya maya pa nakita ko na rin s'ya papalabas ng room n'ya.

"Samara." Pagtawag ko kaya agad namang lumapit sa'kin si Samara.

"Saan tayo ngayon?" Pagtatanong ni Samara.

"Ililibre mo ba ako?" Pagtatanong ko.

"Loh, bahala ka d'yan." Si Samara at tumawa kaya napatawa rin ako.

"Oo nga, ililibre kita anong gusto mo?" Pagtatanong ni Samara sa akin.

"Mag ice cream na lang tayo." Ako.

"Sige sige gusto ko 'yan." Si Samara.

Habang naglalakad, palabas na kami ng gate ng school.

"Beh 'yung crush mo." Si Samara.

"Nasaan?" Pagtatanong ko.

"Loh may crush ka pala ha, sino 'yan." Si Samara at tumawa.

"Sira." Ako at natawa rin.

"Alam mo ba ang daming pinapagawa sa'min tapos bukas na 'yung pasahan, like bukas agad? Pwede bang bigyan kami kahit isang linggo lang, nakakapagod rin kaya, ikaw ba? Parang wala ka laging school works ahh, tulungan mo naman ako pleaseeee." Si Samara.

"Meron din akong school works, mukha lang wala." Ako at natawa.

"Hay nako, lagi na lang ganito, sana naman may mangyaring kung ano o himala para maiba naman nakakapagod na." Si Samara at huminga ng malalim, natawa naman ako.

"Hayaan mo pag tapos ng semester na 'to mag babakasyon tayo." Ako at natuwa naman si Samara.

Nag vibrate naman 'yung phone ko kaya agad ko 'yung tiningnan.

Si Papa, nag text.

"Yshana, baka hindi ako makauwi ng maaga kumain ka na, wag mo na akong hintayin."

Yan ang iniwang message sa'kin ni Papa.

"Sino 'yan?" Pagtatanong ni Samara.

"Si Papa nag text." Ako.

"Ano daw sabi?" Pagtatanong ni Samara.

"Baka daw hindi s'ya makauwi ng maaga, kumain na daw ako at wag ko na daw s'yang hintayin." Ako.

"Edi tatambay muna ako sa inyo, sabay tayong gumawa ng school works tapos 8pm uwi na din ako." Si Samara at tumango naman ako.

"Di ba may gusto si Kiel sayo? Di ba? Nag chachat pa ba kayo? Oh si Andrei 'yung ka talking stage mo ngayon?" Pagtatanong ni Samara.

"Wag ka ngang maingay." Ako.

"Sino ba kasi?" Si Samara.

"Wala, di ko nirereplyan si Kiel, si Andrei may nililigawan na daw eh, si ano 'yung girl sa room 18, si Irish." Ako.

"Ayy, layuan mo na 'yan si Andrei impakta pa naman 'yung Irish na 'yun, eh si Kiel bakit di mo nirereplyan, mabait naman 'yun tapos pogi pa sayang beh." Si Samara.

"Eh ayoko nakakahiya kaya." Ako.

"Speaking of Kiel ayun s'ya oh." Si Samara at tinuro pa.

"Gaga wag mong ituro, baka makita tayo gaga." Ako.

Zombie Apocalypse - Bad Blood (On-going)Where stories live. Discover now