CHAPTER 35 - THE FARM

23 2 0
                                    

YSHANA'S P.O.V

"Ang ganda rito sa farm n'yo, tahimik, maaliwalas at wala sanang problema pero kinalaban n'yo ako eh." Sabi nung Treyton.

"Sino si Yshana sa inyo?" Pagtatanong nung Victor.

"Wag mo na s'yang hanapin dahil sigurado naman akong isa sa kanila si Yshana na sinasabi mo. Lahat naman sila ay may kasalanan sa pag kamatay ni Katrina, sa dami n'yong yan hinayaan n'yo lang na mamatay ang anak ko." Sabi pa nung Treyton.

"May dahilan naman kami kung bakit namin ginawa yon." Lakas loob na sabi ni Jay.

"Ano? Dahilan? Nag sisimula pa lang yung usapan natin mga wala na agad kayong kwenta kausap, parang yung anim lang na mga kaibigan n'yo na walang laban sa'min." Sabi pa ni Treyton.

"Ano bang gusto n'yo?" Pagtatanong ni Boss A.

"Sino ka? Ang leader nila? Tinuruan mo ba yang mga alaga mo kung paano pumatay ng isang babaeng walang kalaban laban sa inyo?" Sabi naman nung Treyton.

Walang kalaban laban?

"Di bale, ang gusto ko lang naman ay sumama kayo sa'min doon sa base namin at doon natin pag usapan 'to." Sabi pa nung Treyton.

"Kung hindi naman kayo papayag, tatapusin ko na kayong lahat dito, ano?" Dugtong pa n'ya.

"Mag desisyon kayong mabuti." Sabi naman nung Victor.

"Sasama kami." Sabi naman ni Jay.

"Madali ka palang kausap eh." Sabi naman nung Treyton.

"Patayin n'yo lahat ng hindi kasama sa grupo nila at wala kayong ititira kahit isa, isakay n'yo na silang lahat sa sasakyan." Sabi pa n'ya.

Agad naman nila kaming tinutukan ng baril at pinalakad.

Nakita ko pang sinamaan ako ng tingin ni Bry bago s'ya tuluyang lumakad. Pinakinggan ko na lang yung sigawan ng mga tao dito sa farm at yung putok ng mga baril.

Nang makalabas naman kami ng farm ay pinag hiwahiwalay nila kami ng sasakyan. Ang kasama ko ngayon ay si Jay, Akiro at Mina, nahiwalay sa amin yung iba.

"Saan daw sila dadalhin?" Pagtatanong nung driver.

"Sa factory daw." Sagot naman nung lalaki kaya naman pinaandar naman nung driver yung sasakyan.
.
.
.
.
.

YOHAN'S P.O.V

Na sa isang factory na kami ngayon at kasama ko na ulit si na Olivia, Third, Seven, Kyu at Terrence.

Nandito kami nakaluhod, maliban kay Kyu dahil hindi na kaya ng mga hita at binti n'ya kaya nakaupo lang s'ya sa sahig. Kami ni na Seven, Terrence at Kyu ay bugbog ang buong katawan pati ang mga mukha namin. Si na Olivia at Third naman ay may mga sugat at mga pasa sa mukha. Nakaluhod kami at nakaharap doon sa may malaking gate, kalahating oras na rin kaming nakababad sa araw kaya nakakaramdam na rin ako ng uhaw at alam kong gano'n din si na Kyu.

Ang daming mga tao dito, pinagtitinganan kami at pinapanood. Ito yata yung sinasabi ni Treyton na mga alipin n'ya, iniwan naman kami dito nung mga armadong lalaki kaya yung mga taong alipin ni Treyton ang mga nandito.

Nagulat na lang kami ng biglang may babaeng lumapit sa'min at may dala s'yang mga tubig.

"Uminom na muna kayo ng tubig." Sabi n'ya sa'min at pinainom n'ya kami ng tubig.

"Salamat." Sabi ko.

"Wag kayong mag alala, wag n'yo na lang kalabanin si Treyton para wala nang masaktan pa sa inyo. Magiging mga alipin n'ya kayo dito sa factory basta gawin n'yo lang yung mga iuutos n'ya." Sabi pa n'ya.

Zombie Apocalypse - Bad Blood (On-going)Where stories live. Discover now