CHAPTER 17

23 3 0
                                    

THIRD'S P.O.V

Agad akong lumabas ng airport para puntahan sina Sir Dwight at Ms. Ellie, nandoon din yung iba. Pero iilan lang yung mga sundalo na nandito, karamihan sa kanila umalis kailangan ko nang mapuntahan sina Ms. Ellie para makahingi ng tulong.

Agad na nga akong dumiretso sa military camp at sinigaw ko yung pangalan ni Akiro para tawagin s'ya, nandito kasi sina Akiro, kasama n'ya si Xian at Travis.

"Akiro!"

"Travis!"

"Xian!"

Sigaw ko.

"Anong nangyayari?" Pagtatanong sa'kin nung Isang sundalo.

"Sir nag kakagulo po sa loob, may mga zombie na po, kailangan po nila ng tulong." Sabi ko na ikinagulat n'ya kaya agad s'yang tumakbo papasok sa loob.

AKIRO'S P.O.V

Nandito nga kami ngayon sa loob, kasama ko sina Xian at Travis, nandito rin si Sir. Dwight at Ms. Ellie.

Nakarinig naman ako ng boses ng sumisigaw sa labas, tinatawag kami ni Third.

"Si Third yun diba?" Pagtatanong ni Xian.

"Oo." Si Travis.

"Bakit kaya n'ya tayo tinatawag?" Si Xian.

Bigla namang may pumasok na sundalo sa loob.

"Sir Dwight! Ms. Ellie! Nagkakagulo po doon sa loob, may mga zombie daw po." Sabi nung sundalo na ikinagulat namin.

"Mag papunta ka ng mga sundalo do'n." Sabi ni Sir Dwight at agad namang sumunod yung sundalo at lumabas na s'ya.

"Kulang yung mga sundalo natin, karamihan sa kanila lumabas, kailangan kong pumunta do'n." Sabi ni Ms. Ellie.

"Kailangan na nating pumunta doon." Sabi naman ni Xian.

"Tara na." Si Ms. Ellie at kumuha na nga kami ng mga baril namin na gagamitin para patayin yung mga zombie at lumabas na nga kami, naiwan naman sa loob si Sir Dwight.

Pagkalabas namin ay agad naming nakita si Third.

"Akiro!" Sigaw ni Third at agad akong lumapit sa kan'ya at inabot ko sa kan'ya yung Isang baril, sabay sabay na nga kaming pumunta do'n.

Nakarating na nga kami doon at sobrang gulo na, ang dami nang zombies at mga patay. Puro sigawan sa paligid kaya nag simula na kaming mag paputok ng baril.

"Mag hiwalay hiwalay kayo, tulungan n'yo lahat ng taong kaya n'yong tulungan." Sabi ni Ms. Ellie kaya nag hiwahiwalay na kami.

MINA'S P.O.V

Duguan na yung braso ko dahil nadaplisan ako ng kutsilyo ni Greg. Seryoso s'yang papatayin n'ya ako at Isang maling galaw ko lang hindi ko na alam kung anong mangyayari sa'kin.

"Bakit mo 'to ginagawa? Ano bang ginawa ko?" Pagtatanong ko sa kan'ya.

"Kayo ng grupo n'yo, alam mo naman siguro kung anong ginawa n'yo 'di ba? Hindi kami titigil hanggat hindi kami nakakaganti sa inyo, ilang linggo rin kaming nag timpi." Sabi ni Greg kaya napakunot naman ang noo ko.

"Wala naman kaming ginawang kasalanan, kayo yung may kasalanan tapos ang lakas pa ng loob n'yo na magalit sa'min at gantihan kami, nanahimik na kami tapos kayo na naman tong gagawa nang gulo." Sabi ko sa kan'ya.

"Kahit anong sabihin mo mamatay kayong lahat ngayong araw." Sabi ni Greg at agad tumakbo papunta sa'kin at sasaksakin ako pero agad kong naiharang yung palad ko kaya ayun yung nasaksak n'ya.

Zombie Apocalypse - Bad Blood (On-going)Where stories live. Discover now