CHAPTER 20

28 2 0
                                    

KYU'S P.O.V

Patay na si Dwight, agad naman akong lumingon at nakita ko naman sina Ms. Ellie at Terrence. Bigla naman akong nakaramdam ng hilo kaya agad akong bumagsak at nakita ko pang lumapit sila sa'kin bago ako tuluyang mawalan ng malay.
.
.
.
.
.

XIAN'S P.O.V

Nag hiwahiwalay nga kami at hindi ko alam kung nasaan yung iba, buti na lang kasama ko si Travis. Binabaril namin yung mga zombie sa paligid.

Puro sigawan at takbuhan.

*BANG!*

*BANG!*

Nagulat na lang kami ng may nag paputok ng baril sa'min. Yung mga nakaaway pala namin doon sa pila, hindi talaga nila kami titigilan.

Bumawi naman kami sa kanila ng baril at natamaan ko yung isa sa kanila.

*BANG!*

*BANG!*

Yung Luis at agad naman s'yang bumagsak kaya dinumog s'ya nung mga zombie, tinulangan naman s'ya ni Trace na kaibigan n'ya pero dinambahan din s'ya ng zombie kaya pinag piyestahan silang dalawa ng mga zombie at wala silang nagawa kundi sumigaw.

"Lumabas na tayo dito Xian." Sabi ni Travis.

"Konti na lang yung mga tao dito, puro zombie na... sigurado akong lumabas na yung iba." Dugtong pa n'ya kaya tumango naman ako.

Narinig ko namang may tumawag sa'kin.

"Xian!" Si Samara kaya agad namin silang hinanap.

"Tulong!" Sigaw pa n'ya, kasama n'ya si Yshana at Ara, duguan sila. Agad naman naming binaril yung mga zombie sa daraanan nila papunta sa'min.

*BANG!*

*BANG!*

*BANG!*

Tuluyan na nga silang nakalapit sa'min at sabay sabay naman kaming lumabas.

"Alam n'yo ba kung nasaan yung iba?" Pagtatanong ni Samara.

"Hindi, pero kasama namin sila kanina nag hiwahiwalay lang kami." Sagot ko naman.

"Nasaan na kaya yung mga yon." Sabi pa ni Samara.

"Okay lang ba kayo?" Tanong ko.

"Ano ba sa tingin mo?" Inis na sabi ni Samara.

"Sorry naman." Sabi ko naman.

"Sina Katrina ang nag simula ng lahat ng 'to." Sabi ni Yshana.

"Bwiset na mga 'yon, hindi talaga tayo tinigilan." Sabi ni Samara.

"Si Kylie pala nasaan?" Pagtatanong ni Ara.

"I'm sorry pero nakagat s'ya." Sabi ni Yshana.

"Mamaya na kayo mag usap usap, kailangan na nating makaalis dito sa air port, mag pupuntahan at mag titipon tipon lahat ng mga zombie dito dahil sa putok ng baril, sigurado akong narinig nila yon." Sabi ni Travis.

"Gamitin natin yung isang sasakyan." Sabi ni Samara.

"Sumakay na kayo, ako na ang mag da-drive." Sabi ni Travis at agad naman kaming sumakay.

Agad namang pinaandar ni Travis yung sasakyan at nag simula na kaming umalis.

"Saka na natin hanapin yung iba." Sabi pa ni Travis at tahimik lang kaming lahat habang na sa sasakyan.

"Rawwr!"

"Grawwrr!"

"Rawr!"

"Grawr!"

Zombie Apocalypse - Bad Blood (On-going)Where stories live. Discover now