CHAPTER 36 - THE FARM

40 2 1
                                    

YSHANA'S P.O.V

Kinulong nila kami at pinag hiwahiwalay, kasama ko si Kyu at Yohan ngayon.

"Ano ng gagawin natin Yshana?" Pagtatanong ni Yohan.

"Hindi ko alam, hindi natin sila pwedeng labanan... ang dami nila at pwede nila tayong patayin agad kung gugustuhin nila." Sagot ko naman.

"I'm sorry, dahil sa'kin nag kagan'yan kayo." Dugtong ko pa.

"Kasalanan naman natin lahat 'yon..." Sabi naman ni Yohan.

"Basta kung sinong matira sa'tin siguraduhin n'yong gaganti kayo." Sabi ni Kyu kaya napatingin kami sa kan'ya.

"Anong ibig mong sabihin? Gaganti tayo sa kanila." Sabi ko naman.

"Hindi ko na kaya Yshana, baka ilang araw na lang ang tagalin ko." Sabi pa ni Kyu.

"Wag kang mag salita ng gan'yan Kyu, aalis tayo dito." Sabi ko naman sa kan'ya at tiningnan s'ya. Napayuko na lang ako pagkatapos.

Hindi ko na maalala yung dating itsura n'ya dahil sa mga pasa at mga sugat sa mukha, bugbog na bugbog. Nakakaawa s'ya, hindi ko na alam ang gagawin.

"Bakit ka umiiyak?" Pagtatanong ni Kyu sa'kin.

"Hindi ko alam kung gaano kahirap yung dinanas n'yo, i'm sorry." Sabi ko naman habang umiiyak.

"Basta ipromise mo na makakaalis kayo dito." Sabi ni Kyu at tumingin ako sa kan'ya, agad naman akong tumabi sa kan'ya at niyakap s'ya.

"Wag ka nang umiyak, para kang si Yohan eh." Sabi pa ni Kyu at tumawa ng mahina.

"Wag kayong gan'yan baka maiyak na naman ako." Si Yohan at mahina ring tumawa.

Habang buhay kong isisisi sa sarili ko pag may nangyaring hindi maganda sa kanilang lahat.

"Kung hindi nila tayo papaalisin tatakas tayo." Sabi ni Yohan.

"Paano?" Pagtatanong ko sa kan'ya.

"Kailangan nating makahingi ng tulong sa isa sa mga alipin ni Treyton. Sigurado naman akong may tutulong sa'tin dahil may nag bigay ng tubig sa'min kanina sa isa sa mga alipin ni Treyton." Sagot ni Yohan.

"Sino?" Pagtatanong ko.

"Hindi ko alam ang pangalan n'ya pero kilala ko yung itsura n'ya, pwede tayong humingi ng tulong sa kan'ya." Sabi pa ni Yohan.

"Sigurado naman akong makikita ulit natin s'ya." Sabi pa ni Yohan.

Kinagabihan....

Tulog si na Yohan at Kyu, nakapatong pa yung ulo ni Kyu sa balikat ni Yohan habang magkatabi silang nakasandal sa pader. Sana bumalik na yung lakas nila, hindi ako makatulog dahil kahit anong minuto may pupunta dito para kuhain kami at tipunin na naman kami doon.

Nagulat na lang ako ng may tumawag sa'min.

"Tao po?" Boses ng isang babae kaya naman agad akong lumapit sa kan'ya. May dala s'yang pagkain at tubig kaya naman agad akong lumapit doon. Isang babae.

"Maraming salamat." Ako at kinuha 'yung pagkain at tubig.

"Kamusta 'yung mga kasama mo? Ayos lang ba sila?" Pagtatanong n'ya.

"Oo, pero sana maging mas okay pa sila, ikaw ba 'yung tumulong sa kanila? Yung nag bigay ng tubig?" Pagtatanong ko sa kan'ya.

"Ah oo." Sagot naman n'ya at nginitian ako.

"Ako pala si Yshana." Pagpapakilala ko.

"Ako si Vianca, 'wag n'yo nang kalabanin si Treyton at makipag kasundo na lang kayo sa kan'ya para hindi na kayo nahirapan at mag tulungan na lang tayo sa factory." Sabi naman ni Vianca.

Zombie Apocalypse - Bad Blood (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon