CHAPTER 26

29 2 0
                                    

THIRD'S P.O.V

Ang daming zombie sa paligid, puro putukan ng baril doon sa may hospital at nag tatakbuhan yung mga zombie's papunta doon. Lumindol din kanina.

"Ano kayang nangyayari doon?" Pagtatanong ko.

"Hindi ko alam pero may mga tao doon, pwedeng si na Yshana 'yun." Si Olivia.

Malapit lang kami sa hospital at na sa isang street kami ngayon, nag tatago kami sa likod ng malaking basurahan.

Natigil din naman agad yung putukan ng baril.

"Pupunta ba tayo doon?" Pagtatanong ko kay Olivia.

"Hindi, ang dami nila pwede tayong mamatay kung pupunta tayo doon." Sagot naman ni Olivia at sumilip ako doon sa harap ng hospital at laking gulat ko ng makita ko yung sasakyan na ginamit ni na Kuya Seven bago sila umalis doon sa air port.

"Nandoon yung ginamit na sasakyan ni na Kuya  Seven bago sila umalis doon sa air port, sila nga yung nand'yan." Sabi ko kay Olivia at sumilip din s'ya.

Umikot naman kami at pa sikretong tumawid ng highway para makalapit kami doon sa may hospital, nag tago naman kami sa likod ng van.

"Sina Yshana ba yon?" Pagtatanong ni Olivia at tinuro nga si na ate Yshana doon sa may likod ng hospital. Nasa may bintana sila, nagulat na lang kami ng biglang tumalon si Mina.

"Shit, tumatalon sila doon." Sabi ko.

"Tumatakas sila, sigurado akong safe yung binabagsakan nila."Si Olivia.

"Kailangan nating pumunta doon." Sabi ko kay Olivia.

"Delikado, ang daming zombie sa paligid." Sabi ni Olivia.

"Hindi 'yan, hindi naman ito yung unang beses na ginawa natin 'to... naaalala mo ba nung hinabol tayo nung mga zombie tapos kung saan saan tayong eskinita dumaan." Sabi ko kay Olivia.

"Anong plano mo?" Pagtatanong ko sa kan'ya.

"Nakita mo yung sasakyan na yun na nakaharang doon sa may bakod?" Pagtatanong ko kay Olivia at tumango naman s'ya.

"Aakyat tayo doon tapos tatalon tayo sa kabilang bakod... game ka ba?" Pagtatanong ko sa kan'ya.

"Game." Si Olivia.

"Tara na." Ako at agad naman kaming tumakbo papunta doon sa may sasakyan.

Agad naman kaming napansin nung ibang mga zombie.

"Kraaghh!"

"Rawrr!"

"Raah!"

Nung naka akyat na nga ako doon sa may kotse ay hinawakan ko na yung kamay ni Olivia para tulungan s'yang makaakyat. Dali dali naman kaming umakyat sa may bakod at tuluyan na nga kaming nakatawid bago kami mapuntahan nung mga zombie.

Agad naman kaming tumakbo ni Olivia para pumunta doon may mga zombie sa daraanan namin.

"May plano ka ba?" Pagtatanong n'ya sa'kin at napa kamot naman ako ng ulo. Kasalukuyan kaming nakatago ngayon sa likod ng isang sasakyan.

Tumingin naman si Olivia sa paligid kung saan kami dadaan.

"Ayun, may nakita akong ladder doon sa may isang building, aakyat tayo doon tapos subukan natin silang tawagin... hindi ko alam kung mag wowork 'to pero game ka ba?" Pagtatanong ni Olivia sa'kin.

"Game." Ako at agad na kaming lumabas sa pinag tataguan namin.

Agad naman kaming napansin nung mga zombie kaya agad silang nag takbuhan papalapit sa'min pero agad namin silang pinag babaril.

Zombie Apocalypse - Bad Blood (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon