CHAPTER 21

23 2 0
                                    

AKIRO'S P.O.V

Gabi na nga at nandito na kami ngayon ni Mina sa isang convenience store. Kumakain kami ng mga ready to eat na mga pagkain.

Kami lang dalawa sa loob, buti na lang walang zombie kanina nung dumating kami dito.

"Ikaw na lang ang unang matulog at ako ang mag babantay, hindi tayo sure kung walang zombie sa paligid... baka maka pasok sila." Sabi ni Mina.

"Ah hindi na, matulog ka na lang at ako ang mag babantay." Sabi ko sa kan'ya.

"Hindi, kailangan natin ng tulog para bukas pag hinanap natin sila may lakas tayo... gigisingin na lang kita pag inaantok na ako." Sabi ni Mina.

"Sure ka?" Pagtatanong ko at tumango naman s'ya.
.
.
.
.
.

YSHANA'S P.O.V

Gabi na at na sa loob kami ng convenience store ngayon, kumakain kami. Hinarangan lang namin yung wall ng store dahil glass yon para kung may mapadaan mang zombie hindi nila kami makita at hindi na sila pumasok.

Aalis din kami mamaya para pumunta sa hospital para magamot at matahi ni Ara yung sugat sa may balikat ni Samara, wala namang zombie sa paligid dahil halos lahat sila nag puntahan sa air port pero hindi pa rin kami sigurado.

Sa hospital lang kasi may mga gamit para magamot yung sugat sa may balikat ni Samara. Nalinis naman na ni Ara yung sugat ni Samara pero kailangan pa ring tahiin yun.
.
.
.
.
.

JAY'S P.O.V

Kitang kita namin mula dito ang mga halimaw na pumapasok sa air port, ang dami nila. Wala na rin ang lahat ng tao at wala kaming idea kung anong nangyari at bakit umabot sa ganito.

Nasaan na kaya si na Yshana pati yung iba, si sir. Dwight kaya? Nakaalis kaya sila.

"Anong plano n'yo? Wala na silang lahat." Si Liam.

"Sigurado akong nakaalis sila." Si Yohan.

"Kung nakaalis man sila, sigurado akong nand'yan lang sila sa paligid... hindi agad makakalayo yung mga 'yon." Sabi naman ni Boss A.

"Hmm, nag kahiwa-hiwalay yung mga 'yon kaya hindi sila lalayo... hahanapin din nila yung isa't isa." Si Seven.

"Kailan natin sila hahanapin?" Pagtatanong ni Liam.

"Bukas." Sabi ni Boss A.
.
.
.
.
.

AKIRO'S P.O.V

Bigla na lang akong nagising at agad ko namang tiningnan si Mina, tulog s'ya habang nakaupo at na ka sandal s'ya sa pader.

Agad akong lumapit sa kanya para icheck s'ya at kita kong pinag papawisan s'ya at namumutla. Agad ko namang dinampi yung kamay ko sa noo at leeg n'ya, sobrang init n'ya at inaapoy na s'ya ng lagnat.

"Mina?" Ako at ginigising s'ya.

Agad naman akong kumuha ng bottled water para ipainom sa kan'ya 'yon.

Nagising na s'ya.

"Uminom ka ng tubig." Sabi ko sa kan'ya at pinainom s'ya ng tubig at ininom naman n'ya 'yon.

Agad kong tiningnan yung kamay n'ya, hindi pa rin pala tumitigil yung pagdurugo nung sugat n'ya. Ang putla na ng kamay at braso n'ya. Ito yata yung dahilan kaya s'ya nilalagnat.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Anong gagawin ko?

"Aalis tayo." Sabi ko sa kan'ya.

"S-saan tayo pupunta?" Pagtatanong n'ya.

"Sa hospital, gagamutin natin yang sugat mo... kaya mo bang tumayo?" Sabi ko sa kan'ya pero hindi s'ya sumagot, nakapikit lang s'ya habang nakaupo.

Zombie Apocalypse - Bad Blood (On-going)Where stories live. Discover now