CHAPTER 24

22 2 0
                                    

JAY'S P.O.V

Na sa convenience store na kami ngayon at kumukuha ng mga canned foods, biscuit, basta mga ready to eat na foods at kumuha na rin kami ng mga bottled water.

"Ano ba 'yan Xian puro chocolate naman yang kinukuha mo." Si Travis kaya natawa kami.

"Mas gusto ko 'to eh, ikaw nga puro chips." Si Xian.

"Kuhain n'yo na lang ang mga gusto, libre lang naman 'yan eh." Si Boss A.

"Kukuha na ba ako ng beer?" Pagtatanong ni Liam.

"Kumuha ka basta ikaw lang iinom n'yan." Si Boss A kaya nag tawanan sila.

"KRRRRRIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNGGGGGGGG!"

"Shit!" Si Liam at nabitawan yung alak na hawak dahil sa gulat.

Isang malakas na alarm ang narinig namin, agad namang nag takbuhan yung mga zombie papunta doon kung saan nang gagaling yung tunog.

"What the fuck?" Si Travis.

"Saan galing 'yon?" Pagtatanong ni Liam.

"Sa hospital yon!" Si Xian kaya naman dali dali na naming inayos yung mga bag naming may pagkain at lumabas kami sa exit ng convenience store.

"Ano kayang nangyari doon?" Pagtatanong ni Travis.

"May pinakealaman yung mga 'yon." Sabi ni Boss A.

"Hindi ka ba natataranta Boss A? Nandoon yung apo mong si Akiro pero parang wala lang sa'yo." Sabi ni Xian.

"Kasalanan nila 'yan." Si Boss A kaya napatingin kami.

"Biro lang." Si Boss A.

"Tingnan mo nagagawa pang mag biro." Si Xian.

"Hindi, ganito lang talaga ako... d'yan lang kayo titingnan ko yung front door." Sabi ni Boss A at sumilip na nga s'ya doon. Nakatago kami sa isang street.

Maya maya pa bumalik na s'ya.

"Puno na ng mga zombie yung front door at sinusubukan na nilang basagin 'yon, babalik tayo doon sa exit ng hospital... pero hindi ako sigurado kung pumunta sila doon para lumabas, baka mag akyatan pa sila sa ibang floor sa takot." Sabi ni Boss A.

"Tama ka d'yan Boss A, kahit ako yun din ang gagawin ko... aakyat ako eh." Si Xian.

*BANG!*

*BANG!*

*BANG!*

*BANG!*

Puro putukan ng baril ang naririnig namin doon sa hospital.

"Pasaway talaga yung mga batang yon." Si Boss at tumakbo na pabalik kaya sinundan namin s'ya. Babalik kami doon sa exit ng hospital.
.
.
.
.
.

THIRD'S P.O.V

Tahimik kaming kumakain ni Olivia sa isang convenience store.

"Sa tingin mo saan pupunta yung mga 'yon? Mahanap kaya natin sila?" Pagtatanong ni Olivia.

"Hindi ko rin alam, pero nakarinig tayo ng sasakyan kagabi di ba... baka sila 'yon." Sabi ko naman at sumubo ng kinakain kong pagkain.

Mag kakasama na kaya si na ate Yshana at kuya Seven ngayon.

"KRRRRRIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNGGGGGGGG!"

Isang malakas na alarm ang narinig namin kaya nag ka tinginan kami ni Olivia.

"Tara na." Si Olivia kaya agad kaming kumilos.
.
.
.
.
.

YSHANA'S P.O.V

Tuluyan na nga kaming naka akyat sa third floor at may mga zombie na rin dito.

Zombie Apocalypse - Bad Blood (On-going)Where stories live. Discover now