CHAPTER 9

42 3 0
                                    

SAMARA'S P.O.V

Sinusubukan nang tumayo ni Xian pero agad syang dinambahan nung zombie sa likod.

Napadapa ulit si Xian at naka dag-an 'yung zombie sa likod nya, gusto na syang kagatin nung zombie pero nakarang 'yung bag niya sa likod nya, kaya hindi sya makagat nito.

"Rawrr!"

Agad kong pinulot 'yung isang bag at inihagis doon sa isang zombie kaya natumba sya.

"Rawrr!"

Agad ko namang tinaga sa leeg yung zombie na nasa likod ni Xian at napugot 'yung ulo non, nagsiritan naman 'yung dugo nung zombie sa ulo at leeg ni Xian.

Gumulong pa 'yung ulo nung zombie sa tapat ng mukha ni Xian.

"Rawrr!"

Buhay pa rin sya.

Agad ko namang tinaga 'yung ulo nung zombie.

Tumayo na nga si Xian, agad nyang kinuha 'yung kutsilyo sa bewang nya na nakalagay sa knife pouch nya, agad naman nyang sinaksak sa ulo 'yung zombie.

Kinuha na ulit ni Xian 'yung bag.

"Tara na." Si Xian.

"Okay ka lang?" Pagtatanong ko.

"Oo, salamat, akala ko iiwan mo ako."  Si Xian.

"Gaga anong iiwan, baka lamunin ako ng kunsensya ko kung namatay ka." Ako at natawa naman si Xian.

"Tara na." Si Xian at tumakbo na kami papunta sa may bus.

Sa bus.

"Bilisan mo na, baka naghihintay na sila doon." Ako at umupo na nga si Xian sa driver's seat.

"Shit." Si Xian.

"Bakit?" Ako.

"Wala 'yung susi." Si Xian.

"Ha? Panong wala? Hindi kaya nadala ni Jay?" Ako.

"Siguro." Si Xian.

Bwiset.

SEVEN'S P.O.V

Nakatakas ako sa mga zombies at nakatago ako ngayon, pagdating nina Samara at Xian saka ako lalabas dito sa pinagtataguan ko at sasalubungin ko sila.

Kita ko mula dito sina Jay at Liam, nakakuha na sila ng gas, hinihintay na lang nila sina Samara at Xian.

Ano na kayang nangyari don, bakit ang tagal nila.

Maya maya pa tumakbo si Jay paalis sa gas station, pupuntahan yata nya sina Xian at Samara.

JAY'S P.O.V

"Gago." Ako.

"Bakit?" Si Liam.

"Nasa akin pala 'yung susi, nakalimutan kong iwan, pupuntahan ko lang sila, hintayin mo si Seven." Ako at napatango na lang si Liam.

Tumakbo na nga ako para balikan sina Xian at Samara.

SAMARA'S P.O.V

Nagulat na lang kami ng biglang may kumatok sa pintuan ng school bus.

Si Jay.

Agad naman 'yung binuksan ni Xian.

"Yung susi." Si Xian.

"Ito, sorry nakalimutan kong iwanan." Si Jay.

"Okay lang." Si Xian.

"Tara na." Ako at pinaandar na nga ni Xian 'yung school bus.

Zombie Apocalypse - Bad Blood (On-going)Where stories live. Discover now