CHAPTER 4

61 5 0
                                    

YSHANA'S P.O.V

Nakalabas na nga kami ng gubat at nandito na kami sa may highway. Ang daming sasakyan ang mga nakatigil at nakaharang sa kalsada. Yung iba ay mga nakataob at tumba pa.

"May mga zombie ba? May nakikita kayo sa malayo?" Pagtatanong ni Mina

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"May mga zombie ba? May nakikita kayo sa malayo?" Pagtatanong ni Mina.

"Wala, mga patay madami." Si Olivia.

"Malabo mata mo Mina?" Pagtatanong ni Samara.

"Ah oo, nearsighted kasi ako." Si Mina.

"Ahh kaya pala." Si Samara.

"So ano na, wala namang zombie sa paligid, tara na maglakad." Si Third.

"Teka, patay na 'yung mga zombie-" Si Jay.

"Wow, gusto mo pa talaga na may zombie at habulin tayo hanggang kamatayan." Si Samara.

"Ibig sabihin niya bakit patay 'yung mga zombie dito, ibig sabihin non may pumatay sa mga zombie na 'yan. Ibig sabihin may mga tao nang nauna na dumaan satin dito." Si Akiro.

"Uhmm okay, sorry." Si Samara.

"Shut up na lang ako be." Bulong pa ni Samara sa'kin.

"Tara na, para makahanap agad tayo ng matutuluyan bago mag gabi." Si Third at nag simula na nga kaming maglakad.

Ang daming mga patay na zombie sa paligid at tahimik lang kaming naglalakad.

Malayo layo na rin ang nalakad namin at napatigil na lang kami sa paglalakad dahil may harang yung dadaanan namin.

Nakahelerang mga sasakyan ang nakaharang sa gitna ng Kalsada.

"Tara na, sa ibabaw na lang tayo ng sasakyan dumaan." Si Third.

"Teka lang, baka may tao sa kabila ako na mauna." Si Jay.

JAY'S P.O.V

Umakyat na nga ako sa ibabaw ng sasakyan at bumaba sa kabila.

May nakita naman akong isang sasakyan doon sa gilid sa tabi ng puno. Hindi ko naman kita kung merong tao sa loob non, dahil tinted yung bintana nung kotse.

"Ano? Okay ba? Safe ba?" Pagtatanong ni Samara.

"May mga zombie ba?" Pagtatanong naman ni Third.

"Wala wala, okay safe, umakyat na kayo."   Ako.

KYU'S P.O.V

"Hoy gago! Archie gumising ka!" Ako at ginising ko ang katabi kong si Archie.

Nasa loob kami ng sasakyan at may nakita akong mga tao na umaakyat doon sa kotse.

"Bakit?!" Si Archie.

"Gago may mga tao, tingnan mo." Ako.

"Saan?" Si Archie at medyo inis pa dahil bagong gising.

"Ayun oh, ang dami nila." Ako.

Zombie Apocalypse - Bad Blood (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon