CHAPTER 18

25 3 2
                                    

OLIVIA'S P.O.V

Nagkakagulo na ang lahat, wala akong armas na gagamitin laban sa kanila. Hindi ko rin mahanap yung iba sobrang gulo na.

"Nandito ka lang pala." Boses ng isang babae kaya agad ko s'yang nilingon.

Yung babaeng kasama ni Katrina sa grupo n'ya, si Bea at kasama n'ya din yung isang lalaki yung Brix. Anong ginagawa nila dito?

"Anong ginagawa n'yo dito? Bakit hindi pa kayo umaalis dito, nag kakagulo na sila." Pagtatanong ko.

"Oo at kami ang may dahilan non." Sabi ni Bea kaya napakunot ang noo ko.

"Ha? Anong ibig n'yong sabihin?" Pagtatanong ko.

"Wala ka nang pakealam do'n, nandito kami para patayin ka." Sabi n'ya na ikinagulat ko.

Agad s'yang nag labas ng kutsilyo at tinutok n'ya sa'kin yon.

"Ibaba mo 'yan." Pamilyar na boses at si Third yon. Agad silang napalingon don kaya agad kong inagaw yung kutsilyo kay Bea.

"Ibalik mo yan sa'kin!" Sigaw ni Bea at bigla s'yang nag labas ng baril na ikinagulat ko.

Agad n'ya yung tinutok sa'kin at....

'BANG!'

'BANG!'

Pero hindi n'ya ako natamaan, nag lalaban na rin sina Third at Brix. Agad kong sinugod si Bea at nakipag agawan ako sa kan'ya ng baril.

Agad ko s'yang sinuntok sa mukha dahilan para mapadaing s'ya, nakita ko namang pinag susuntok na ni Brix si Third kaya agad ko nang kinuha yung baril kay Bea at tinutok ko yon kay Brix.

'BANG!'

'BANG!'

Natamaan ko s'ya ng dalawang beses at tuluyan na ngang bumagsak yung katawan ni Brix sa ibabaw ni Third.

Agad akong sinipa ni Bea sa t'yan kaya napadaing ako sa sakit. Tatayo na sana s'ya at tatakbo palabas ng hawakan ko yung binti n'ya para hindi s'ya makaalis.

"Bitawan mo'ko!" Sigaw ni Bea.

'Rawr!"

Isang zombie yung pumasok galing sa labas na ikinagulat ko. Agad kong binitawan si Bea kaya s'ya yung sinugod nung zombie.

Kinagat si Bea nung zombie sa may leeg at wala s'yang nagawa kundi ang sumigaw.

"Aaaaaaahhhh! Tulungan n'yo kooo!" Sigaw n'ya.

"A-aahhhh! Aaahhh!" Sigaw n'ya at pilit pa s'yang lumalaban pero hindi na s'ya pinapakawalan nung zombie.

Agad naman akong lumapit kay Third at inalis ko sa ibabaw n'ya yung katawan ni Brix at tinulungan ko s'yang makatayo.

"Thank you." Si Third.

"Tara na!" Sabi ko kay Third at tumango naman s'ya.
.
.
.
.
.

YSHANA'S P.O.V

Puro putukan na ng baril sa buong paligid, nag kakagulo ang lahat panay takbuhan at sigawan ang mga tao.

Nagulat na lang ako ng biglang may humawak sa braso ko.

Si Katrina.

Napakunot naman ang noo ko.

Agad n'yang hinigpitan yung pag hawak sa braso ko at hinila n'ya.

"Bitawan mo'ko Katrina." Sabi ko sa kan'ya pero hinihila pa rin n'ya ako.

"Bitawan mo'ko sabi!" Sigaw ko sa kan'ya pero agad s'yang nag labas ng baril na ikinagulat ko.

Zombie Apocalypse - Bad Blood (On-going)Where stories live. Discover now