CHAPTER 39 - THE FARM

36 1 0
                                    

YSHANA'S P.O.V

"Nakalimutan ko 'yung tungkol kay Sadie, hindi nga pala natin s'ya kasama nung dinala tayo sa factory, naiwan sila ng baby dito." Si Jay.

"Nawala rin sa isip ko na nandito pa nga pala s'ya." Si Olivia.

"Nakuha ko na 'yung mga baril natin, na sa kwarto sa taas." Si Xian.

"Okay na rin 'yung mga foods, kinuha ko na rin 'yung mga first adi kit." Si Ara.

"Kailangan na nating umalis dito at humanap ng bagong matutuluyan ng pansamantala." Si Travis.

"May alam ako." Sabi ni Shan kaya napatingin kami sa kan'ya.

"Pero ano nang gagawin natin ngayon dito sa farm? Iiwanan na lang ba natin ng ganito?" Pagtatanong ni Xian.

"Susunugin natin 'tong buong farm para hindi na mapakinabangan pa ni na Treyton, pagkatapos ng lahat babalikan natin sila." Si Jay.

Tuluyan na nga naming sinunog ang farm bago kami umalis dito.
.
.
.
.
.

VIANCA'S P.O.V

Galit na galit si Treyton nung nalaman n'yang nakatakas si na Yshana nung gabing nag kakagulo dito sa factory. Mabuti na lang at hindi n'ya nalaman na kami ni Mika 'yung nag bukas ng gate nung gabing 'yun.

Hindi namin naisara 'yung gate nung gabing 'yun dahil nag datingan 'yung mga tauhan ni Treyton kaya agad kaming nagtago ni Mika at umalis doon.

Hanggang ngayon ay patuloy pa rin nilang hinahanap si na Yshana, 2 weeks na 'yung nakalipas pero hindi pa rin nila nakikita sina Yshana. Sigurado akong nakalayo na sa lugar na 'to si na Yshana.
.
.
.
.
.

YSHANA'S P.O.V

2 weeks later.

Bumalik na ulit ang lakas ni na Seven, Terrence at Yohan, okay na rin si na Olivia, Third at Samara. Medyo okay na rin si Akiro at nakakausap na ulit namin s'ya.

Nandito kami ngayon sa isang building ng apartment pero sa 1st floor lang kami nag stay. Dahil sa right side ng first floor ng building ng apartment ay may convenience store na sa loob.

Tapos sa left side ay may tatlong room ng apartment na ginagamit naming tulugan.

May isang kwarto rin kung saan nag roroom 'yung guard dito dati kaya ayun 'yung ginamit naming tambakan ng mga weapons namin.

Sinarado rin namin 'yung gate paakyat sa 2nd floor dahil may mga zombie na nandoon para safe kami dito.

Tapos 'yung glass wall sa may entrance ay hinarangan namin para hindi kami makita ng mga zombie sa labas.

"Kumusta Shan?" Pagtatanong ni Jay.

"Gano'n pa rin, nag lilibot pa rin 'yung mga tauhan ni Treyton, hinahanap pa rin nila tayo." Si Shan, kakarating lang n'ya. Ginagamit n'ya 'yung motor para tingnan kung anong ang kilos na ginagawa ni na Treyton.

"Buti na lang hindi nila alam 'yung lugar na 'to." Dugtong pa ni Shan.

"Sasamahan kita bukas pag alis mo." Si Yohan.

"Sigurado ka ba? Baka hindi mo pa kaya?" Pagtatanong ni Shan.

"Kaya ko na." Si Yohan.

"Meron talagang something sa inyong dalawa." Si Samara.

"Bakit hindi ba halata?" Si Shan.

"So meron nga?" Si Samara at tumango naman si Shan.

"Kaya naman pala, nung nakaraan ko pa kayo pinag mamasdan eh kulang na lang mag mwa mwa kayo sa harap namin." Si Samara kaya naman nag tawanan sila.

Zombie Apocalypse - Bad Blood (On-going)Where stories live. Discover now