CHAPTER 30 - THE FARM

22 2 0
                                    

YOHAN'S P.O.V

"Tatanungin ko kayo isa isa, dapat tama ang isasagot n'yo... dahil pag may nag kamaling isa sa inyo at hindi tumugma sa sagot ng Isa ibig sabihin may nag sisinungaling sa inyo." Sabi nung lalaki kaya kinabahan ako.

"Ako pala si Victor, 'wag kayong mag alala mabait pa naman ako. Buti nga hindi boss namin yung nakasalamuha n'yo ngayon kung hindi sigurado akong patay na kayong lahat." S'ya at tumawa.

"Anong pangalan mo toy?" Pagtatanong nung Victor at tinutok yung baril kay Shan.

"Shan." Sagot naman ni Shan.

"Shan.... ang gandang pangalan, ang gandang pangalan na burahin sa mundo." S'ya at tumawang mag isa. Anong nakakatawa doon? Kung mag isa lang 'tong lalaki na 'to baka napatay ko na s'ya.

"Ikaw?" Sabi nung Victor at tinutok sa'kin yung baril.

"Yohan." Sagot ko at alam kong nakatingin sa'kin si Shan ngayon.

"Yohan? Hmm.... okay." Sabi n'ya.

"Ikaw?" Pagtatanong n'ya kay Seven.

"Seven." Sagot naman ni Seven.

"Okay Seven." Sabi nung Victor.

"Ikaw?" Pagtatanong naman n'ya kay Third.

"Third." Sagot naman ni Third.

"Ah, so kapatid mo 'tong si Seven... sinong panganay sa inyo? Si Seven ba?" Pagtatanong n'ya ulit kay Third at tumango naman si Third.

"Ikaw?" Pagtatanong naman n'ya kay Olivia.

"Olivia." Sagot naman ni Olivia.

"Okay, bakit parang hindi naman kayo natatakot sa'kin? sa'min? Hindi ko ramdam sa mga boses n'yo na natatakot kayo?" Pagtatanong nung Victor.

"Bakit naman kami matatakot eh wala naman kasi kaming ginagawa sa Inyo." Sagot ni Third.

"Tumahimik ka, sinabi ko bang ikaw yung sumagot?" Sabi nung Victor.

"Sorry kung naabala ko kayong lima ha, alam kong nag tataka kayo ngayon kung bakit wala lahat ng zombie dito. Inalis namin silang lahat dito para lang maka pasok sa air port kaya wag n'yo ng isipin 'yon." Sabi nung Victor.

"Gusto ko lang malaman kung saan kayo ng galing lahat, nag stay ba kayo sa air port? Oh ikaw sumagot Third." Sabi nung Victor kaya napatingin ako kay Third, nakatingin din s'ya sa'kin.

Pasimple naman akong nag thumbs up at nakita naman n'ya 'yon, alam na n'ya yung ibig sabihin no'n. Mag sasabi s'ya ng totoo.

"Oo, nag stay kami do'n." Sagot ni Third at tumingin ulit s'ya sa'kin. Pasimple ko naman s'yang nginitian.

"Oh, baka kasi kilala n'yo yung mga hinahanap namin." Sabi nung Victor na ipinagtaka ko.

"Anong nangyari sa air port? Bakit nag kagulo doon?" Pagtatanong n'ya, bakit alam n'ya yung sa air port eh hindi naman namin sila nakita o nakasama doon.

"Ikaw Olivia, anong nangyari sa air port? Anong pinagmulan ng lahat bakit nag kagulo do'n." Pagtatanong ni Victor kay Olivia.

"Hindi ko alam, nag kakagulo na lang doon bigla tapos nag kalat yung mga zombie's." Sabi ni Olivia, nag sinungaling s'ya. Alam kong alam n'yang sina Katrina yung nag simula ng lahat.

Tama lang yung ginawa ni Olivia, hindi pa namin alam kung ano talagang pakay ng Victor na 'to..

"Ikaw Yohan? Nasaan ka nung nag kakagulo sa air port?" Pagtatanong ni Victor.

"Wala ako sa air port nung nag kagulo doon, kasama ko si Seven at na sa labas kami nung nangyari ang lahat." Sagot ko.

"Eh ikaw Shan?" Pagtatanong ni Victor.

Zombie Apocalypse - Bad Blood (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon