CHAPTER 8

53 4 0
                                    

SAMARA'S P.O.V

Kinabukasan maaga kaming nagising lahat. Gising na din sina Third at Akiro, Mina, pati 'yung isang lalaki.

Kinuwento namin ni Seven, Mina at Kyu sa kanila lahat ng nangyari kagabi.

"So hahayaan lang natin sina ate Yshana don ng limang araw? Hindi ba tayo kikilos at iligtas sila?" Si Third.

"Pero hindi natin alam kung saan nila dinala sina Yshana." Si Mina.

"Teka, ano palang pangalan mo?" Pagtatanong ko doon sa lalaki kaya napatingin sya sa'kin.

"Ako si Xian, ibig sabihin pinatay nila lahat ng tao dito?" Pagtatanong ni Xian.

"Oo, kung gusto mo, tingnan mo sa labas." Sabi ko.

"Hoy babae!" Sigaw ng isang babae na pamilyar ang boses sa labas.

"Teka sino 'yun?" Pagtatanong ni Third.

"Si Stacie." Si Kyu.

Si Stacie.

Agad naman akong lumabas at si Stacie nga na galit na galit sa'kin.

"Hoy ikaw babae ka, sumusobra ka na, sinuntok mo ako kagabi at hindi ko 'yun makakalimutan!" Sigaw ni Stacie sa'kin at galit na galit.

"Huh? Hindi mo ba alam yang ginagawa mo? Nagkagulo lahat, tingnan mo 'yang paligid! Pinatay nila lahat ng tao, dapat nga mag pasalamat ka pa samin at nilagay ka namin doon sa school bus at hindi ka nila nakita!" Sigaw ko sa kanya.

Napatingin naman sya sa paligid at natauhan.

Naglabasan na rin 'yung iba sa mga room.

"Anong nangyayari?" Pagtatanong ni Jay.

"Nag wawala na naman si Stacie." Si Olivia.

"A-anong nangyari dito? Bakit ang daming patay?" Pagtatanong ni Stacie habang nakayuko sya at nakahawak sa magkabila nyang tenga.

Nandito na kaming lahat sa labas.

"Ano nang gagawin natin?" Pagtatanong ni Third.

"Lilinisin 'tong lugar na 'to, pagsasamahin natin 'yung mga patay at lalabas ang iba satin para kumuha ng pagkain at mga tubig." Si Jay.

"Huh? Gusto mo ba kaming mamatay? Uutusan mo kaming lumabas para kumuha ng mga pagkain, kung gusto mo edi ikaw." Si Stacie.

"Teka, may tao sa gate." Si Third.

"Dalawa sila." Si Olivia.

"S-si Liam." Si Stacie.

"Si Liam nga, may buhat buhat sya." Si Tasha at tumakbo papunta doon kay Liam.

"Si Archie 'yun Kyu diba." Si Xian.

Magkakilala na pala sila.

"Patay na sya." Si Kyu kaya napatingin kami sa kanya.

"Ha? Paano? Anong nangyari?" Gulat na gulat na pagtatanong ni Xian.

"Pinagbabaril sya nina Wayne." Si Kyu.

"Sinong Wayne?" Naguguluhang pagtatanong ni Stacie.

"Yung leader ng mga taong pumatay sa mga kasama natin dito sa school." Si Jay.

"Huh? Bakit? Anong dahilan nila?!" Pagtatanong ni Stacie.

"Basta hindi mo rin naman maiintindihan." Ako.

Nakalapit na nga sina Tasha at Liam na buhat buhat si Archie.

Nilapag nila sa lupa si Archie at lumapit si Kyu doon.

Zombie Apocalypse - Bad Blood (On-going)Where stories live. Discover now