CHAPTER 16

32 2 3
                                    

YSHANA'S P.O.V

3 weeks na nga yung nakalipas at hindi na kami ginugulo nina Katrina at okay na rin si Kyu. Hindi na rin namin alam kung nasaan na si Kianna, umalis s'ya at hindi na bumalik. Yung papa naman ni na Seven ay nabalitaang nag pakamatay, hindi pa rin sila nag kakausap ni Seven.

Sa ngayon may kan'ya kan'ya na kaming gawain dito sa airport para makatulong sa mga tao. Mas naging mas malapit pa kaming mag kakaibigan sa isa't isa.

Sina Samara, Seven, Third, Mina, Akiro, Olivia, Jay, Liam, Xian, Terrence, Kyu, Aerin, Ara, Kylie, Travis at Yohan.

May mga tao pang narerescue yung mga sundalo na galing sa labas at simula pala nung pumunta kami dito ay hindi na ako nakalabas at nakakita ng zombie.

"Yshana!" Pagtawag sa'kin ni Samara.

"Bakit?" Pagtatanong ko sa kan'ya.

"Aalis sina Jay, Liam, Seven at Yohan mamaya kasama si Boss A." Sabi ni Samara.

"Saan sila pupunta? Si Akiro hindi nila kasama?" Pagtatanong ko.

"Hindi eh, may pupuntahan yata sila napakinggan ko kasi kanina, nag aayos na sila ngayon." Sabi ni Samara.

"Ah sige, tatanungin ko si Seven." Sabi ko kay Samara.

"Sige, balik na'ko do'n." Sabi ni Samara at nginitian ko naman s'ya. Saan kaya pupunta sina Seven.

Agad ko ngang hinanap si Seven at nakita ko naman agad s'ya, kasama n'ya si Third.

"Sasama na'ko sa inyo kuya." Sabi ni Third.

"Oh, ikaw pala ate Yshana." Sabi ni pa ni Third.

"Kanina ko pa kayo hinahanap, saan pala kayo pupunta?" Pagtatanong ko kay Seven.

"Aalis sila nina Boss A, gusto ko ngang sumama eh kaso ayaw ako pasamahin ni kuya." Sabi ni Third.

"May pupuntahan kasi si Boss A isasama kami, hindi ko nga alam kung saan eh, pero alam naman ni Sir Dwight na aalis kami." Sabi ni Seven.

"Ahh okay, mag iingat kayo." Sabi ko naman sa kan'ya. "Wag ka nang makulit Third, makinig ka sa kuya mo." Ako at tumawa, napakamot naman ng ulo si Third.

*********

Tuluyan na ngang nakaalis sina Seven.

Ginawa ko lang yung mga dapat kong gawin at inabot na kami ng ala una ng hapon. Nakaupo ako ngayon at nag papahinga.

KATRINA'S  P.O.V

Nakabalik na nga kami sa airport.

Galing kami sa labas, pero nakagat si May, bwiset.

"Ang tanga tanga mo naman May." Sabi ni Bea.

"Bakit kasi ang bagal bagal mo tumakbo?" Galit na pagtatanong ni Jacob.

"Tulungan n'yo ko, ayaw ko pang mamatay." Si May at naiiyak na.

"Kung hindi ka kasi tatanga tanga edi sana hindi ka nakagat." Sabi ni Bea.

Patuloy naman sa pag iyak si May.

"Tama na 'yan, gagawa tayo ng paraan." Sabi ni Greg.

"Ha? Paraan? Paano, sige nga may kagat na s'ya sa braso, panong magagawan pa nang paraan yan?!" Si Bea.

"Hay na'ko, nakakainis kayo."  Sabi ni Jacob.

Bigla namang dumugo yung ilong ni May at sumuka na rin s'ya.

"Shit." Si Brix.

"Ano nang gagawin natin." Pagtatanong ni Bea.

"Papatayin ko na s'ya." Sabi ni Jacob.

Zombie Apocalypse - Bad Blood (On-going)Where stories live. Discover now