CHAPTER 32 - THE FARM

24 2 0
                                    

YSHANA'S P.O.V

Na sa loob kami ng bahay ngayon dahil namatay na yung babaeng buntis, pero yung baby ay nailigtas.

Bigla namang dumating si Xian.

"May kotse na paparating." Sabi ni Xian.

"Kaninong kotse?" Pagtatanong ni David.

"Hindi ko ho alam eh, hindi naman ho yun yung bus na ginamit ni na Shan." Sagot naman ni Xian.

"Titingnan ko." Sabi naman ni Bry at lumabas.
.
.
.
.
.

SHAN'S P.O.V

Nang makarating ako sa farm ay agad kong itinigil yung sasakyan sa tabi. Agad naman akong bumaba ng sasakyan at nakita kong papalapit si Bry sa direksyon ko.

"Shan?! Anong nangyari sa'yo?" Gulat na pagtatanong ni Bry.

"Si na Yshana, kailangan kong makausap si na Yshana." Sabi ko naman sa kan'ya bago ako tuluyang mawalan ng malay.
.
.
.
.
.

YSHANA'S P.O.V

Wala pa ring malay si Shan, ginamot na rin ni Bry yung mga sugat n'ya. Hindi rin n'ya kasamang bumalik si na Seven dito, pero ang pinaka hindi namin inaasahan sa lahat, dala dala ni Shan yung bangkay ni Ellie at ng isang matandang lalaki.

Inilibing na ni na Travis, Boss A at Xian yung bangkay nila. Lahat kami ay nandito parin at hinihintay na magising si Shan. Gustong gusto ko na malaman kung anong nangyari.

"Ano kayang nangyari sa kanila." Si Mina.

"Posibleng may nakalaban sila, mga tama ng baril ang natanggap ni na Ellie." Sabi ni Boss A.

"Pero si na Seven nasaan?" Pagtatanong ni Xian.

"Ayan ang hindi ko masasagot." Sabi naman ni Boss A.

"Hintayin na lang natin na magising si Shan." Si Jay.
.
.
.
.
.

YOHAN'S P.O.V

Nandito na kami.

"Ibaba n'yo na sila." Boses ng isang lalaki kaya naman agad nila kaming ibinababa.

"Ikulong n'yo muna sila at kakausapin ko muna si Boss." Pakinig ko pang sabi nung isa.

Pinalakad nila kami nang pinalakad hanggang sa tumigil na kami. Naramdaman kong tinatanggal na nila yung tabon sa ulo ko hanggang sa tuluyan na ngang natanggal 'yon.

Agad naman akong tumingin sa paligid, parang na sa isang malaking hospital kami.

Nilibot ko pa yung paningin ko at may mga selda rin, may mga iba pang nakakulong.

Hindi kaya na sa Mental Hospital kami.

"Pasok." Sabi nung lalaki at agad kaming pumasok sa isang selda. Kinadena naman n'ya yung pintuan ng selda para hindi kami makalabas.

"Nasaan tayo?" Pagtatanong ni Terrence.

"Na sa mental hospital." Sagot ko naman.

"Kailangan nating makatakas dito." Sabi ni Third.

"Hinanap talaga nila tayo dahil sa Katrina na 'yon." Sabi ni Olivia.

"Papatayin nila tayo." Sabi ni Terrence.

"Ibig sabihin nandito rin yung Papa ni Katrina." Si Third.

"Sa sabi nung Victor na yun, na ikwento tayo ni Katrina sa kanila dahil nakaaway natin sila, kaya ngayon hinahanap nila tayo para gantihan dahil sa pag kamatay ni Katrina." Sabi ni Olivia.

Zombie Apocalypse - Bad Blood (On-going)Where stories live. Discover now