CHAPTER 38 - THE FARM

29 0 0
                                    

YSHANA'S P.O.V

Iniwanan muna nila kami dito pero may mga tauhan pa rin ni Treyton ang nag babantay sa'min na nandito, si Mina na kay Kyu at umiiyak kaya lumapit na rin ako sa kanila. Umiiyak na lumapit din si Terrence sa katawan ni Kyu.

Si Akiro naman nakayuko doon sa pwesto n'ya at umiiyak kaya naman nilapitan s'ya ni Jay.

Agad namang lumapit papunta sa'kin si Samara at niyakap ako ng mahigpit.

"Ayos ka lang ba?" Pagtatanong n'ya at nag patuloy lang ako sa pag iyak habang nakayakap s'ya sa'kin.

"H-hindi ko na alam ang gagawin..." Naiiyak kong sabi kay Samara.

"Gaganti tayo sa kanila." Sabi naman ni Samara.
.
.
.
.
.

THIRD'S P.O.V

"Hindi ka ba lalapit sa kanila?" Pagtatanong ni Olivia.

"Ayoko, hindi ko kayang makita na wala na sila." Sagot ko naman.
.
.
.
.
.

SHAN'S P.O.V

Nag tipon tipon na 'yung iba sa katawan ni na Kyu at Boss A. Yung iba naman nasa pwesto lang nila at nakatulala.

Hindi na ako nag dalawang isip na lapitan si Yohan. Agad akong lumapit at niyakap s'ya na ikinagulat naman n'ya.

"A-aray." Daing n'ya kaya binitawan ko naman s'ya.

"Sorry." Ako at agad na hinubad 'yung suot kong jacket at inilagay 'yun sa may likod n'ya para icover sa kan'ya.

"Kailangan na nating umalis dito Shan." Seryosong sabi ni Yohan.

"Aalis tayo dito." Sabi ko naman sa kan'ya.

Bigla namang lumapit sa'min si Jay.

"Shan?" Si Jay kaya napatingin ako dito.

"Bakit? Kumusta si Akiro?" Pagtatanong ko.

"Kinausap ko muna s'ya, may plano ako." Si Jay.

"Ano 'yun?" Pagtatanong ko naman.

"May tatlong nag babantay sa'tin, aagawin namin 'yung baril sa kanila at kukuhain 'yung susi ng van, sumakay na kaagad kayo sa van habang inaagaw namin sa kanila 'yung baril, si Liam at Travis 'yung kasama kong aagaw sa kanila ng baril, ikaw 'yung mag lead sa kanila papunta sa van at dalhin n'yo rin 'yung katawan ni Kyu at Boss A... Kakausapin ko si Xian at Third para tulungan ka." Si Jay.

"Hindi ba delikado?" Pagtatanong ko.

"Tulong!"

"Nag kakagulo sa loob!"

"May zombie sa loob ng factory!"

Sigawan na galing doon sa may factory.

BANG!

Putok pa ng baril na ikinagulat namin.

"Anong nangyayari?!" Si Samara.

"D'yan lang kayo! Walang gagalaw kahit isa sa inyo!" Sigaw nung isa sa mga tauhan ni Treyton.

"Ikaw na ang bahala sa mga 'yan, babalik kami." Sabi nung isang lalaki at umalis 'yung dalawa sa kanila kaya Isa na lang 'yung natirang nag babantay sa'min.

Hanggang sa sunod sunod na ng putok ng baril ang naririnig namin.

Pag kakataon na namin 'to para tumakas.

"AAAAAHHHHH! TULONG!" Sigaw ni Samara na ikinagulat naming lahat, nakahawak s'ya sa tyan n'ya.

"Tulong! Tulungan n'yo s'ya!" Natatarantang sigaw din ni Yshana.

Zombie Apocalypse - Bad Blood (On-going)Where stories live. Discover now