CHAPTER 12

35 3 0
                                    

YSHANA'S P.O.V

Tahimik lang kaming lahat habang nasa byahe pabalik sa school.

"Wala na sina Jay doon kagabi, iniwanan ba nila tayo?" Pagtatanong ni Kyu.

"Kasama n'yo sina Jay?" Pagtatanong ni Yohan.

"Oo, sina Third, Olivia, Liam, Travis, Xian, pero wala na sila doon kagabi." Si Kyu.

Nasaan na kaya sila.

"Paano si Ken? Anong gagawin natin? Anong sasabihin natin kay Kianna." Pagtatanong ni Kyu.

"Sasabihin natin 'yung nangyari." Ako at natahimik naman sila.

I'm sorry Ken.

THIRD'S P.O.V

Dito ulit kami dadaan ni Olivia sa may likod, kung saan kami dumaan kanina. Pero napakarami ng zombie ang nandoon at nasusunog na rin 'yung mga bahay.

"Olivia wag na tayong pumasok doon sa loob." Ako.

"Ha? Paano sila? Sigurado akong nandoon pa sila." Si Olivia.

"Baka nakasakay sila doon sa van, kasama nina Wayne, sigurado akong nakaalis na sila dito." Ako.

"Dito na lang muna tayo sa likod ng mga puno mag stay at mag pahinga." Dugtong ko pa.

Tumango naman si Olivia.

"Mamayang umaga na lang ulit natin i-check 'yung loob ng subdivision, kung hindi man sila nakaalis, baka nandyan sila sa loob, pero nasusunog na 'yung mga bahay kaya hindi rin ako sigurado." Ako.

"Naiintindihan kita, kaya maghintay na lang muna tayo sa ngayon." Si Olivia at napatango naman ako.

Paano kung pumunta sina Wayne sa school? Haysstt.

SAMARA'S P.O.V

Kinaumagahan.

Kitang kita na 'yung mga bangkay ng mga patay na zombie, nilagay lang namin 'yung katawan ni Tasha sa gilid at tinabunan s'ya ng kumot.

"Sa tingin mo, pabalik na kaya sila?" Pagtatanong ni Mina.

"Siguro." Ako.

"Sana okay lang silang lahat." Si Mina at nginitian ko naman s'ya.

"Si Kianna anong ginagawa?" Pagtatanong ko.

"Nadoon sa loob, baka kumakain s'ya." Si Mina.

Maya maya pa nakita namin 'yung school bus na papasok ng gate ng school.

"Nand'yan na sila!" Sigaw ni Mina.

Agad namang lumabas si Kianna ng room. Dali dali kaming tumakbo papunta sa may school bus. Agad namang itinigil ni Xian 'yung bus sa tabi.

Napatigil naman ako sa pagtakbo nung makitang apat lang silang bumaba ng school bus.

Si Jay, Liam, Travis at Xian.

"N-nasaan si Ken?" Pagtatanong ni Kianna.

"Hindi namin alam." Si Travis.

"H-ha? Paanong hindi n'yo alam?" Pagtatanong ni Kianna.

"Nasaan si Ken?!" Pagtatanong ulit ni Kianna.

"Hindi sa hindi namin alam, pero nandoon pa sila, iniwan namin sila, wag kayong mag alala babalikan namin sila." Si Jay.

"Iniwan?" Si Kianna.

"Nasaan sina Kyu? Olivia? Magkakasama ba sila?" Pagtatanong ni Mina.

"Sina Yshana, okay lang ba sila? Anong nangyari doon? Kay na Wayne? Pagtatanong ko.

Zombie Apocalypse - Bad Blood (On-going)Where stories live. Discover now