CHAPTER 7

58 5 0
                                    

SAMARA'S P.O.V

"Anong pangalan nyo?" Pagtatanong nung lalaki.

Pero walang sumagot samin, ito 'yung mga lalaking nakapasok ng school at pinagbabaril 'yung mga tao.

Nagulat na lang kami nang bigla nyang binaril sa ulo 'yung lalaking tumulong sa amin ni Olivia na ilagay si Stacie sa loob ng school bus.

Nanginginig ako.

Natatakot ako.

Nasaan na 'yung iba, ano nang nangyari sa kanila.

"Anong pangalan nyo?" Pagtatanong nya ulit.

"O-o-olivia." Nauutal na sabi ni Olivia, kitang kita rin sa mukha nya na natatakot sya.

Tumingin naman sa'kin 'yung lalaki.

"Samara." Sabi ko, kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayari.

Napatingin naman ako kay Jay dahil hindi sya nagsasalita. Nasa likod nya kami kaya hindi ko makita ang itsura nya.

"Dalawa lang ba kayong kausap ko?" Pagtatanong nung lalaki at wala ulit sumagot.

"Hindi kayo sasagot ah." Yung lalaki at tinutok 'yung baril kay Jay.

"Jay!" Sigaw ko kaya napatingin silang lahat sa akin pati si Jay at nagulat pa sya.

"S-sya si Jay." Ako at binaba naman nya 'yung baril nya sa pagkakatutok kay Jay.

"Hmm... Ako si Wayne, may itatanong lang ako, sana sumagot kayo ng maayos para wala tayong maging problema." Sabi nung Wayne.

"Nasaan si Liam?" Pagtatanong nung Wayne.

"W-wala na sya dito." Si Olivia.

"Wala?" Pagtatanong nung Wayne.

"Umalis na sya, may kagat sya, maya umalis sya para hindi mapahamak 'yung mga tao dito." Si Jay.

"May iba ka bang ibig sabihin? Pwede mo naman sabihin sa'kin ng diretso." Sabi nung Wayne.

"Oo, umalis sya para maligtas 'yung mga tao dito tapos dadating lang kayo dito para patayin sila, hindi ba kayo naaawa, may mga bata, matatanda, pwede pa silang marescue at madala sa safe na lugar." Si Jay.

"Rescue? Safe na lugar? Wala nang tutulong sa inyo." Sabi nung Wayne.

Bigla namang may dumating na isang lalaki.

"Boss Wayne?" Pagtawag nya kay Wayne.

"Ano? Ubos na ba lahat?" Pagtatanong ni Wayne.

"Galing kami sa Clinic, patay na lahat maliban doon sa tatlong nakahiga at mga tulog, may mga sakit yata sila." Sabi nung lalaki.

"Patayin nyo na sila." Sabi nung Wayne at agad namang umalis 'yung lalaki.

Hindi pwede.

Papatayin nila sina Third at si Akiro, pero nasaan sina Yshana? Pati 'yung iba, hindi pwedeng pinatay na sila.

Kinakabahan ako.

"Patay na lahat."

Hindi pwede.

"Bantayan n'yo 'yang tatlong 'yan, maglilibot lang ako, hoy ikaw at ikaw, samahan n'yo ako." Sabi nung Wayne at naglakad sila papalayo.

Ano nang gagawin namin.

YSHANA'S P.O.V

"Wag na kayong manlaban, ilapag n'yo 'yang mga armas n'yo." Sabi nung isang lalaki.

Akala namin isang lalaki lang 'yung papasok sa room na 'to, pero ang dami nila at tinututukan nila kami ng baril.

Madami silang lalaki kaya hindi na nakalaban sina Seven at Yohan.

Zombie Apocalypse - Bad Blood (On-going)Where stories live. Discover now