CHAPTER 33 - THE FARM

28 2 0
                                    

YSHANA'S P.O.V

Nandito ulit kami kung saan kami natutulog at kasama namin si Shan. Nag uusap usap kami at nag p-plano.

"So bukas aalis tayo dito? Kasama ni Shan?" Pagtatanong ni Travis.

"Oo, pero hindi tayo sasama lahat kay Shan, yung iba mag tatago para naka ready tayong labanan sila." Sabi ni Boss A.

"Sabihin na nating nandoon na sila kasama si na Seven tapos si Shan kasama sina Yshana tapos yung iba... tapos ano nang gagawin natin?" Pagtatanong ni Travis.

"Sigurado kasi akong hindi sila susunod sa usapan, gusto nila na makuha kayong lahat at kasama na ako doon." Sabi ni Shan.

"Papatayin natin sila." Sabi ni Jay.

"Mag w-work ba yang mga plano n'yo?" Pagtatanong ni Samara.

"Hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan." Sabi ni Xian.

"Hindi na tayo naubusan ng problema, hindi ko na alam kung paano natin 'to isosolve at sorry Shan nadamay ka pa sa gulo namin." Sabi ko kaya naman napatingin silang lahat sa'kin.

"Okay lang 'yun, part na'ko ng group n'yo." Sabi ni Shan.

"Paano kung hindi mag work yung mga plan n'yo?" Pagtatanong ni Xian.

"Makikipag patayan tayo sa kanila, hindi matatapos to hangga't walang namamatay... ganito lang yan eh, tayo yung mapapatay nila o sila yung mapapatay natin." Sabi ni Jay.

"Kaya dapat ready tayo sa mga pwedeng mangyari." Sabi ni Akiro.

Bakit kasi kailangang umabot sa ganito? Gusto ko lang naman mahanap si Papa.
.
.
.
.
.

YOHAN'S P.O.V

"Hi guys, kamusta naman kayo d'yan? Ako pala si Chad... nand'yan na pala si na Victor, ready na ba kayo na kausapin ang Papa ni Katrina?" S'ya at tumawa.

Pake ko kung sino ka.

"Kayo na lang ang kumilala sa kan'ya... good luck." Sabi pa n'ya.

Maya maya pa dumating na si Victor.

"Chad kamusta sila?" Pagtatanong ni Victor.

"Ayan, okay pa naman... sa ngayon." Sagot naman ni Chad.

"I ready n'yo na yung mga sarili n'yo, gusto na kayong makausap ni Boss." Sabi ni Victor.

"Ilabas n'yo na sila." Sabi nung Chad sa mga kasama pa nilang lalaki.

Binuksan muna nila yung kulungan namin bago nila kami palabasin. Agad naman nilang tinali yung mga kamay namin sa likuran namin.

Nauna nang mag lakad si na Victor at Chad.

"Lakad." Sabi ng isa sa mga lalaki kaya naman nag simula na kaming mag lakad. Tumingin naman ako sa paligid namin at nakatingin lang sa'min yung mga kalalakihan at nag iinom sila.

Iilan lang din yung mga babae sa kanila at mga mukha ding wala sa ayos. Nakangiti pa yung iba sa'min habang nakatingin, mga adik.

Nag patuloy lang kami sa pag lalakad hanggang sa pumasok na kami sa isang pinto at may lalaking nag hihintay sa'min do'n.

"Boss Treyton nandito na sila." Sabi ni Chad at tiningnan lang kami nito. Isang malamig na tingin ang ibinigay n'ya sa'min, ito na yung Papa ni Katrina.

Malaki yung katawan at sa tangin ko matangkad din kahit naka upo, may balbas at bigote din. Makapal ang buhok.

Hindi maganda ang atmosphere dito sa loob ng room na 'to.

Zombie Apocalypse - Bad Blood (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon