CHAPTER 31 - THE FARM

27 2 0
                                    

SEVEN'S P.O.V

"Si Olivia lang ba ang may kasalanan sa inyo? Bilis na para matapos na 'to at pauwiin ko na yung iba sa inyo." Sabi ni Victor pero walang sumagot.

"Walang sasagot? Imposibleng isa lang sa inyo ang pumatay sa mga kaibigan ni Katrina at babae pa talaga?" Sabi ni Victor at kita ko namang mag sasalita na sana si Third pero inunahan ko s'ya.

"Ako." Sabi ko kay Victor.

"Ikaw?? Ang sabi ni Yohan wala kayo sa air por- " Sabi pa ni Victor pero nag salita agad ako.

"Nag sinungaling s'ya." Sabi ko.
.
.
.
.
.

THIRD'S P.O.V

"Walang sasagot? Imposibleng isa lang sa inyo ang pumatay sa mga kaibigan ni Katrina at babae pa talaga?" Sabi ni Victor.

Mag sasalita na sa na ako pero biglang nag salita si Kuya Seven.

"Ako." Sabi ni Kuya Seven kaya napatingin kami sa kan'ya.

"Ikaw?? Ang sabi ni Yohan wala kayo sa air por- " Sabi pa ni Victor pero nag salita agad si Kuya Seven.

"Nag sinungaling s'ya." Sabi ni Kuya Seven.

"Oh, teka naguguluhan na'ko... hindi ba dapat si Third yun kasi kasama n'ya si Olivia, paanong naging ikaw?" Pagtatanong ni Victor.

"Mag kakasama kaming tatlo." Sabi pa ni Kuya, anong ginagawa n'ya. Ipapahamak ba n'ya ang sarili n'ya?

"Ahh, okay naiintindihan ko na." Sabi ni Victor.
.
.
.
.
.

YOHAN'S P.O.V

Nag sinungaling si Seven para iligtas si Third.

"Ikaw Terrence? Anong nangyari d'yan sa sugat mo?" Si Victor at lumapit kay Terrence. Tinutok n'ya yung baril doon sa may sugat ni Terrence at idiniin yun sa sugat n'ya. Napasigaw na lang si Terrence sa sakit.
.
.
.
.
.

KYU'S P.O.V

Nung umalis si Ellie nung umagang yun ay pinasok kami doon sa bahay nung mga lalaki at  si na Victor nga 'yon. Kinuha nila kami at tinanong about doon sa nangyari sa air port, pag katapos no'n ay hinintay nila si Ellie dahil nabanggit ni Lolo Jerome yung tungkol kay Ellie at kanina nga inabangan nila si Ellie at sinunod na nila si na Yohan at ngayon nandito na kami.

Anong gagawin ko? Lahat kami nakaluhod dito, naaalala ko yung nangyari sa'min ni Archie. Ayoko ng maulit yon.

Nakayuko lang ako at nakatulala sa sahig. Pinapakinggan ko lang yung pinag uusapan nila.

Nagulat na lang ako ng biglang sumigaw si Terrence kaya naman napatingin ako sa kan'ya. Nanlaki na lang yung mga mata ko nung makita yung baril na nakatutok doon sa sugat ni Terrence kung saan s'ya nabaril. Dinidiin pa ni Victor yung baril n'ya doon sa sugat ni Terrence.

"Sinabi ko bang sumigaw ka? Tinatanong kita!" Sigaw din ni Victor.

"Tumigil ka na!" Sigaw ko sa kan'ya kaya napatingin sila sa'kin.

"Aba, naiingit ka ba?" Sabi sa'kin ni Victor at lumapit s'ya sa'kin, agad n'yang tinutok yung baril sa dibdib ko.

"Naiinip na'ko sa mga walang kwenta mong sinasabi, pwede bang bilisan mo na?" Sabi nung isang lalaki na katabi ko kaya napatingin kami sa kan'ya.
.
.
.
.
.

YOHAN'S P.O.V

"Naiinip na'ko sa mga walang kwenta mong sinasabi, pwede bang bilisan mo na?" Biglang sabi ni Shan kaya napatingin kami sa kan'ya. Ano bang sinasabi n'ya? Gusto ba n'yang masaktan?

Tumingin naman si Victor kay Shan at tumayo na ulit sa harap namin si Victor.

"Sige, last na tanong para matapos na 'to... Nasaan yung kaibigan n'yong si na Yshana?" Pagtatanong ni Victor kaya naman agad akong kinabahan. Walang sumagot sa'min.

"Walang sasagot sa inyo?" Pagtatanong ulit ni Victor pero wala pa ring sumasagot sa'min.

"Walang sasagot ah, sige." Si Victor at agad tinutok yung baril doon sa Papa ni Ellie.

"Sasabihin ko." Sabi naman ni Ellie.

"Ibaba mo na 'yan at sasabihin ko kung nasaan sila ngayon." Sabi ni Ellie kaya naman kinabahan ako.

"Nasaan?!" Sigaw na pag tatanong ni Victor.

Napatingin pa sa'min si Ellie habang umiiyak.

*BANG!*

Na ikinagulat namin.

Nanlaki naman yung mga mata ko nung makita kong bumagsak yung katawan ng Papa ni Ellie.

"Pa!" Sigaw pa na ni Ellie at lumapit sa Papa n'ya habang umiiyak.

"Paaaa..." Si Ellie habang humahagulgol sa pag iyak.

Napayuko na lang ako dahil hindi ko na kaya ang mga nakikita ko.

Wala naman kaming nagawa at naka luhod lang kami. Iniiyakan naman ni Ellie yung Papa n'ya.

Iyak lang ni Ellie yung maririnig sa buong paligid.

"Sorry, ang bagal mo kasing sumagot eh... naiinip na si Shan." Sabi ni Victor at napatingin naman ako kay Shan.

Nakakuyom yung mga kamay n'ya, alam kong galit na s'ya.

Ang kapal din ng lalaking 'to na banggitin yung mga pangalan namin na akala mo kakilala na namin s'ya ng matagal.

"Hayop ka!" Sigaw ni Ellie kay Victor at agad namang tumayo si Ellie na ikinagulat namin. Susugurin n'ya si Victor.

"Ms. Ellie!" Sigaw pa ni Third at tatayo rin sana pero agad s'yang pinigilan ni Seven at Olivia.

*BANG!*

*BANG!*

Hindi na nag dalawang isip pa si Victor na barilin si Ellie bago pa makalapit si Ellie sa kan'ya. Agad namang bumagsak yung katawan ni Ellie.

Nakamulat yung mga mata n'ya at nakatingin sa'kin, may pumatak pang luha sa mata n'ya.

"Patawa, hindi ko na kasalanan kung bakit napatay ko yang mag ama na 'yan... hayss mga problema, sabihin n'yo na kasi kung sino yung pumatay kay Katrina para matapos na 'to at hindi na mainip si Shan." Pang aasar pa ni Victor.

"Nakakainis kayong lahat, nauubos lang ang oras ko sa inyo. Ibalot n'yo na yung mga ulo nila maliban kay Shan." Sabi pa ni Victor at sinimulan na nilang ibalot yung ulo ni Olivia gamit yung plastic tapos itinali yun sa leeg n'ya.

Gano'n na rin yung ginawa nila kay na Third at sa iba, napatingin naman ako sa likod ko at may lalaki na na maglalagay ng tabon sa ulo ko.

Agad naman akong tumingin kay Shan at nakatingin din s'ya sa'kin.

"I'm sorry." Huling sabi ko pa kay Shan bago ibalot ang ulo ko sa plastic.

"Shan? Nakikita mo naman siguro ang mga kasama mo, isasama ko silang lahat sa'min at bukas babalik kami dito at dapat kasama mo na yung Yshana at grupo nila. Madali lang yung request ko, sana wag mo ng pahirapan pa yung mga kaibigan mo, pag hindi ka sumunod sa usapan papatayin ko silang lahat at hindi kami titigil na hanapin kayo kung saan kayo nag tatago." Pakinig kong sabi ni Victor.

"Isakay n'yo na sa sasakyan yang mga 'yan." Sabi pa ni Victor at naramdaman ko namang hinila na'ko patayo ng isang lalaki.

Wala akong makita dahil sa labo ng plastic at sa kapal nito. Liwanag lang ang nakikita ko at kulay ng paligid.

"Lakad." Sabi pa n'ya kaya naman lumakad ako.

Ano nang gagawin namin.

Pinatay lang nung lalaki sa harap namin yung Papa ni Ellie at si Ellie. Sigurado akong hindi sila mag dadalawang isip na patayin din kami pag nandoon na kami sa lugar nila.
.
.
.
.
.

ITUTULOY........

Zombie Apocalypse - Bad Blood (On-going)Where stories live. Discover now