CHAPTER 3

65 3 0
                                    

YSHANA'S P.O.V

Nakita nga namin 'yung pickup car na papalapit sa amin at si Seven 'yung nag da-drive non.

Nagtatalon naman si Samara at kinaway 'yung mga kamay nya.

Sinasagasaan ni Seven 'yung mga zombieng nakaharang sa dadaanan.

"Tara na, salubungin na natin si Kuya." Si Third at tumakbo, kaya sumunod kami sa kanya.

Tinigil na nga doon ni Seven 'yung sasakyan sa gilid. Nang makarating kami ay agad ibinaba ni Jay si Mina sa likod nya at pinasakay sa loob.

Sumakay naman agad sa likod si Third.

"Bilisan nyo nandyan na sila!!" Sigaw ni Third.

Pumasok na nga si Samara at umupo sa tabi ni Mina.

"Yshana sa harap ka na." Si Olivia at pumasok na rin at tumabi kay Samara.

"Sige na Yshana sumakay ka na, doon na lang ako sa likod kasama ni Third." Si Jay at sumakay na nga ako sa unahan katabi ni Seven.

Sumakay na rin doon sa likod si Jay.

"Tara na bilis! Nandyan na sila!" Si Samara.

Agad namang pinaandar ni Seven 'yung sasakyan.

"Bilisan mo pa Kuya! Nandyan na sila!" Sigaw ni Third doon sa likod.

THIRD'S P.O.V

May mga zombieng humahabol sa amin kahit nasa sasakyan na kami. Yung iba sa kanila ang bibilis tumakbo.

Si Boss Jay naman ay binabaril 'yung mga zombieng malapit sa amin.

Nagulat na lang kami ng may isang zombie ang nangunguna sa pagtakbo sa mga zombies, biglang tumalon 'yun sa sasakyan namin at kumapit sya sa dulo ng sasakyan.

"Rawrr!"

Gumewang naman 'yung sasakyan kaya muntik na akong matumba.

"May zombie sa likod!" Sigaw ni Samara doon sa loob.

"Rawrr!"

Agad ko namang pinaghahampas 'yung ulo nya gamit 'yung baseball bat ko.

"Rawrr!"

Hindi sya nasasaktan at ayaw nyang bumitaw sa sasakyan.

"BAANNGG!"

Si Boss Jay at binaril 'gung zombie sa ulo kaya tuluyan na 'yung bumitaw sa sasakyan at nagpagulong gulong sa kalsada.

"Bakit hindi mo agad binaril?" Pagtatanong ko.

"Akala bibitaw sya sa hampas mo eh, matigas pala ang bungo." Si Boss Jay.

Naupo na lang ako dahil sa pagod.

YSHANA'S P.O.V

Tuluyan na nga kaming nakalayo sa mga zombies at nakalabas na ng city.

"Teka Seven, paano ka nakapunta doon, akala ko ba walang gas? Saan ka kumuha?" Si Samara.

"Meron akong nakita doon sa basement." Si Seven.

"Huh? Meron kang nakita? Edi sana tiningnan muna doon bago mo kami inutusang kumuha ng gasolina sa city, halos mamatay kaming lahat doon tapos meron palang gasolina sa basement, papatayin mo ba kami?" Si Samara at natawa naman si Olivia.

"Sorry na." Si Seven.

"Pasalamat ka, nakaligtas kami." Si Samara.

"Uhm... Pasensya pala ulit sa nangyari kagabi, babawi talaga ako sa inyo, sasama at tutulungan ko kayo." Si Olivia.

Zombie Apocalypse - Bad Blood (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon