"Ah fucking Grand Hall pala tawag dito, tignan mo ang ganda ng changleder!," namamangha kong tinuro ang chandelier. Hindi niya ako nilingon. Panay ang pagpipindot niya sa cellphone.

"Magkano 'yan?," tanong ko. Ang ganda kasi. Kapag ako yumaman, ibibili ko din niyan sina mama tsaka isasabit din namin sa bahay hehe.

".."

"Hoy!," inis kong hinila ang manggas ng damit niya nang mapansing hindi naman siya nakikinig sa'kin.

"The what!?," may bahid ng inis din niyang tanong. Aba't siya pa ang may ganang mainis.

"'Yan, 'yang changleder," tinuro ko ang nakasabit sa kesame.

"It's chandelier!," pagtatama niya.

"Oo nga! Sabi ko naman chandener," umirap ako.

Blanko niya akong tinignan.

"Magkano nga?"

"Bakit bibili ka?"

"Hindi porque nagtanong kung magkano bibili na, di porque nag I love you mahal ka na," bwelta ko bago siya talikuran. Natulala nalang siya sa kawalan habang naguguluhan. Palihim akong natawa.

Napawi ang ngiti ko nang marealize na hindi ko na mababalikan ang mga araw na 'yon.

"Are you okay? What's the problem?" tanong ni papa.

Umiling ako. "W-Wala po"

Bigla kong naisip na tawagan si Kyle. Hindi ko na kaya ang ganito, gusto kong marinig ang boses niya.

"Miss Thalia - ay mama pala," tawag ko. Nilingon niya ako.

"Yes, dear?"

"Uhm 'yong cellphone ko po.."

Lumapit siya sa'kin at nakangiti akong inakbayan. Marahan niyang hinaplos ang buhok ko.

"Why don't you meet your brother first? Mamaya.. I'll give your phone, is that okay?" nakatingin siya sa'kin na para bang kausap ang isang limang taong gulang na bata. Wala akong nagawa kundi pilit na tumango.

"Let's go, isurprise natin ang kuya mo," hinawakan niya ang kamay ko at nauna siyang maglakad papunta sa pasilyo. Sumunod naman si papa.

May kuya din pala ako dito. Bigla kong naalala si kuya Sam.. namimiss ko na sila.

Nakarating kami sa pool area. Umiilaw ang pool nila tsaka merong apat na cute na puno sa gilid nito. Hindi ko alam kung anong klaseng puno 'yon o halaman. Pero sa tingin ko ang sosyal no'n tignan.

Meron ding garden sa kanang bahagi ng bakuran. Sa kaliwa naman merong malapad na maze. Hanggang ngayon hindi ko pa rin lubos maisip na totoo lahat ng 'to.

"Dorothea!," tawag ni mama sa isang katulong. Dali dali itong lumapit.

"Where's Grey? Tell him to come in here now, we'll just wait at the gazebo," utos ni mama.

MISS FOREIGNSYANA [Under Revision]Where stories live. Discover now