KABANATA 161

351 20 7
                                    


Kabanata 161



___________________


JEAU P.O.V.




Nagising nalang ako na nakahiga ulit sa hospital bed, hindi ako nag-iisa dahil ngayon may katabi ako-- si Lei. Siya ang nabangga ko kahit anong pigil ko naman hindi ko talaga magawang iwasan siya kanina hindi niya rin ako napansin, nagmamadali rin kasi.

Pareho kaming nabunggo sa entrance ng garden kung saan ay sakto sa may hagdanan pa.

Napaubo ako para agawin ang atensyon niya na ngayon nagbabasa ng libro. Matagal siyang napatingin sakin, titig na hindi ko mabasa.



"I-Im sorry.." mahinang sabi ko, nagsimula na naman akong kinabahan sa kanya nung maalala ko pa ang sinabi ni Van.

Nakita ko ang pilay niyang paa at ganon rin sakin.

"Kung sumunod kalang sa utos ng hospital, hindi tayo aabot sa ganito." mahinang sagot niya at pumasok naman si Alexa dala ang bouquet ng bulaklak.

"Ano?" taas kilay kong bungad dito. Binigay niya sakin ang bulaklak at inirapan.

"Manigas ka, buti sayo." saad niya na nagsimula na naman kaming mag-asaran ng mainip si Lei.

"Maraming naghihintay saking patients pero naging ganito pa." seryusong titig niya at napatahimik kaming dalawa. Ang galit niya tignan.

"Sorry po Doc" pagpapaumanhin ni Alexa pero tinitigan lang ito ng masama. Si Alexa ang nagbabantay samin ngayon at hindi maiiwasan ang asaran namin mas naiinis na talaga ako sa kanya.

"Bulaklak na puti? para sa lamay lang naman ang ganyan!" reklamo ko dito, ang papa niya ang nagpadala nito sakin.

"Ang arte mo! doon rin naman ang bagsak natin!"

"Ano! ayaw mong magtagal pa ako sayo!?" asik ko na inalis ang bulaklak sa may puson ko at doon namin pareho narinig ang malakas na sarado ng libro pero pagtingin namin sa direksyon ni Lei ay tulog na ito.

Dapit hapon na ng makauwi si Alexa at kaming dalawa ni Lei ang natira sa kwarto ngayon, nagpapahinga na siya at nakatalikod sa pwesto ko.  Sumandal ako sa hinihigaan ko at uminom ng tubig sabay parinig ng ubo para mapansin niya. Hindi siya nagising kaya nagsalita nalang ako baka sakaling marinig niya.

"Nandito na nga ako hindi mo parin pinapansin. " unang saad ko at napatitig sa may bintana.  "Ano ba talaga ako sayo Lei."

Wala akong narinig na salita galing sa kanya, nakatitig parin ako sa labas. Hindi pa ako nasanay sa ugali niyang walang puso. Napaayos ako sa paghiga at piliin nalang ang matulog.

"Huli na pala."

Napabuka ang mga mata ko pero hindi ako umalis sa pwesto kong nakahiga, pareho kaming walang kibo at hindi nagkaharapan.


"Saan paba ako? Sino paba ang inuuwian ko?" aniya at pareho kaming hindi nakapagsalita, hindi na mababago pa ang lahat kung ano man ang meron ko ngayon.

"Lei, bakit hindi mo sinasabi sakin-"

"Maiintindihan mo ba?"

"Ha?"

"Iintindihin mo ba lahat ng ginagawa ko?"

"Iwan."

"Kaya nga.."

Mga ilang segundong katahimikan  ang gusto ko ay mag-usap kami.

"Ikakasal na ako." seryusong sabi ko at wala na akong narinig pang tugon mula sa kanya kaya nagpatuloy na ako sa sasabihin ko.

YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon