Chapter 42: Bad and Good News

Magsimula sa umpisa
                                    

“Kate! I want some more! >3<”

Humarap nalang ulit ako tapos sinubuan ko ng sinubuan si Ms. Rizza hanggang sa may tumawag sa kanya.

“Oh, si Charm. Ano kaya kailangan nito…..Hello Charm…….Yeah, baby, pauwi na kami….hehe we miss you too….Ate Kate’s here with us. Do you want to talk to her?....okay okay. Kate, si Charm oh.” whoa!! Si Charm!! *Q* Kinuha ko yung cell phone at inalis ko muna yung earphones na naka pasak sa cell phone ko.

“Hello, Charm!”

“Ate Kate! When are you gonna visit me here. I miss you Ate!”

“I… don’t know.. but I’ll try okay?”

Nag kwentuhan lang kami ni Charm habang nasa biyahe. Siguro 15 minutes din yun or so. Ang kulit kasi ni Charm eh kinantahan pa ako ng Cup cake song tapos yung mga stars na nakukuha niya sa school sinabi din niya. Ang kulit nga ni Ms. Rizza eh.. habang kausap ko si Charm sa phone nag papasubo, edi kinwento ko na rin kay Charm yun. Ibinalik ko na rin kay Ms. Rizza yung cell phone kasi baka may importanteng call siyang inaabangan diba kahiya naman kung mag telebabad pa ako gamit cell phone niya.

---

Hanggang sa maka uwi ako sa bahay hindi ako pinapansin ni Blake. Kinakausap ko naman siya sa biyahe at ang sagot niya pwede nang gumawa ng isang makapal na libro.. grabe =__= kundi ‘oo’, ‘hindi’, ‘ewan’ o kaya iiling siya… oh diba?

Pumasok na ako sa bahay nung nakapag paalam na sila na uuwi na daw sila at magpapahinga.

Umupo ako sa sofa at tumabi kay kuya Gelo na nanunuod sa HBO ng ‘Devil’.. yung nasa elevator na pinapatay sila isa isa nung devil… hindi ko po yan pinanuod ikinwento lang sakin ni Francine at Mich. Nangatal na nga ako sa kwento palang pano pa kaya kung mapanuod ko pa?

“Oh, kamusta naman vacation?” sabay hablot sa hindi pa nabubuksan na balot ng Baconette Strips na hawak hawak ko.

“Kuya pahiga at papatong ng paa” nahiga ako sa sofa at tumalikod sa T.V dahil ayoko nung pinapanuod niya habang nakapatong yung paa ko sa lap niya. “Ayos lang. Masaya.”

“Oo nga pala. Tumawag kahapon si Ice, may good news daw siya sa’yo. Tinatanong ko kung ano pero ayaw naman sabihin gusto niya sa’yo daw niya sasabihin. Mag open ka daw ng 3 ng hapon kasi ganun siya nakakapag online.. Ikaw ha.. may tinatago ka na sakin. Pektusan kita eh..Kayo ba nun?”

“Hindi ah. Sige kuya Idlip muna ako, gisingin mo nalang ako ng 2:40PM para makausap ko na yun.. na mimiss ko na rin yun eh.” Sabay pikit ko.

“Oo nga pala Kate, may tumawag din ditong Bryan Ol---“ hindi ko na narinig yung iba niyang sinabi dahil sa antok ay knock-out na agad ako.

-

-

-

-

“Hoy, Ate Taba, gumising ka na. Pinapagising ka ni Kuya Gelo.” Sino ba tong bwisit na nang gagambala sa tulog ko? Err…

“Anube…inaantok yung tao eh.”

“Hindi ka tao, baboy ka kaya gumising ka na dyan Ate Taba. 2:40 na at pinapagising ka ni Kuya dahil may kakausapin ka daw! *alog alog to the highest level*”

“Eeehh!! Sinabi nang inaan---Ay! Oo nga pala kakausapin ko si Yelo! Tsk.” Bumangon na ako sa sofa tumayo, binatukan ko muna si Luke.. Ate Taba parin tawag amp!

Naligo’t nag bihis ako ng pambahay lang since sa computer shop lang nama punta ko. Yung lap top kong walang saysay hindi ko magamit. Ginagamit ko lang yun pag nagawa ako ng writing chuchu or projects namin sa school. Wala kasing Wi-Fi sa bahay eh! Sasabihin ko nga kay kuya mamaya na pakabitan ng Wi-Fi bahay namin >3<

Nag-paalam ako kay mama na lalabas muna ako at mag-cocomputer sa comp shop dahil kakausapin ko si Yelo.

Dumiretso na agad ako sa comp shop at nag rent. Kilala naman ako dito nung bantay dahil crush niya daw ako. Sus… wag na umasa kuya, may nag mamay-ari na ng puso ko si at yun ay ang bakulaw na si Blake na biglang nanlamig sakin.. =___=

Nung umupo ako nag open ako ng skype at hinintay si Yelo na mag open habang na  nunuod ako sa Youtube ng anime. Hoho.. Otaku here! Siguro nawiwirduhan yung mga tambay dito sakin kasi wala sa itsura ko na Otaku ako eh.  Pinanuod ko lang yung K-On!! Season two.. I really love Yui Hirasawa :3  Ang bubbly niya kasi.

Minutes passed ng ni-PM na ako ni Yelo at nag request ng Video Chat. Siyempre ako Go ako! Gusto ko na rin Makita yung gwapo kong best friend ano!

At ayun nga bumungad ang gwapo niyang mukha at….may katabi siyang babae!

“Yelo~!!”

“Tabs! *wave**wave*” naki-wave din yung babae.. FC! CHOS!

“Huy~ Yelo~ Sino yan?... Lumalablayp ka na ah”

“*nod**nod* Si Karen….Uhh…gi-girl friend ko..”

“Kyaaa!!” Napatayo ako sa bigla… at napansin kong nakatingin sakin lahat.. so nag sorry ako habang nag bow… ano daw ginawa ko? Nag bow? Hahaha…   Narinig ko pang sinabi nung bantay.. ‘Gandang baliw talaga neto’ Okay… pahiya ako dun. Umupo na ulit ako.

“Adik ka Tabs! Wag kang mag eskandalo dyan sa computer shop! Hahaha..”

“Tse! Napahiya na nga ako eh. Pure Japanese siya?”

“Nope.. Half Jap and Half Pinay. Daya mo ah! Iniwasan mo ako >3<”

“Sa tingin mo kung hindi ko ginawa yun makikita mo yan si Labidabs Karen mo?”

“Sabagay.. Salamat Tabs~ Oh, eh balita naman sa’yo? May nanliligaw na ba?”

“Ahh…eh…*nod**nod*” nag nod ako habang nakatungo.

“Oh? sino?”

“Si…si…B-Blake..”

“Sabi na madedevelop yun sa’yo eh. Ikaw ah! Kung hindi ko pa siguro tinanong hindi mo pa sasabihin.”

“Ehh….nakakahiya eh….Marunong mag tagalog yang Labidabs Karen mo?”

“*nod**nod”

“Karen..e.F.C muna ako sa’yo. Itulak mo nga yan si Yelo at usap tayo :)”

She did what I told her to do. Nahulog nga si Yelo sa inuupuan nilang dalawa. Hahaha.. tawa nga siya ng tawa eh.. Ang cute niya lang. bagay sila ni Yelo. Si Yelo naman nakita ko sa screen na humiga sa kama at nag basa ng libro.

Nag kwentuhan lang kami ni Karen ng kung ano ano. 16 Years old na rin siya tapos may bahay sila dito sa Manila. Gusto niya nga daw kami mag meet pag balik niya dito eh. tapos nag ka kilala daw sila ng dahil sa sabay silang tinututor nung nag tuturo sa kanilang dalawa. So ayun, na develop. Naikukwento din ako ni Yelo sa kanya.. She’s blunt nga eh. Kasi sinabi niya na nag-selos daw siya ng ilang beses sakin dahil puro ako daw bukambibig ni Yelo nung naging sila, pero sabi ko naman wag mag-alala kasi once na mainlove yan si Yelo sagad to the bones na.

After nung mahaba habang usapan eh nag paalam na ako at sabi nila next time daw ulit. Bago ako umuwi dumaan muna ako sa isang Ice cream parlor at bumili ng Ice cream para samin ng mga kapatid at siyempre para kay mama. Once in a Purple Moon lang ako manlibre kaya pasalamat sila dahil may topak ako ngayon at naisipan manlibre. Umuwi na rin ako ng bandang 5:30.. tagal ko din pala sa labas =____=. Dumiretso ako sa kusina at lumafang kasama yung dalawa kong kapatid pati si Mama.

Habang nakain naisip ko yung mga nangyari kanina habang nasa biyahe kami pauwi.

May good news nga si Yelo pero… may Bad news din… Blake’s acting a little weird kanina tapos parang ang Cold lang ng pag trato niya sakin.

What happened to him?

She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon