"Alam ko pa." diin na sabi ko at napatitig sa envelope.

"Bata pa naman kayo..marami pang mangyayari sa buhay. Kapalaran na ang magtatagpo sa inyo sa kasalukuyan "

Hindi ako sumagot sa kanya at titig parin ako sa envelope, nag-iisip ng solusyon at nagsimula ng magdalawang isip.

"Si Jeau. Marami pa siyang walang nalalaman." ani pa ni papa at napalingon agad ako sa kanya na may kwestyunableng titig.

"Mula sa pamilya natin at Martinez..doon palang sa tingin mo ba matatanggap pa niya iyon? Paniniwalaan paba niya tayo? Maiintindihan pa ba?".

Napaisip ako sa sinabi ni papa ng makalabas ako sa opisina niya. Papayag ba akong aalis? Napasagi naman sa isip ko ang mga pangako namin ni Jeau dati. Napailing ako at bumalik kay papa at naabutan ko nga siyang papaalis rin.

" Pa! "

"Mag-impake kana-"

"Ayoko! Sasamahan ko si Jeau!"

Napatahimik si papa at kita ko ang pagkadismaya niya sakin, galit siya pero pinipigilan niya lang.

"Sana dika magsisisi niyan." huling habilin niya at nilagpasan ako.

Napatulala akong naiwan at napaiyak na ngumiti ng pilit. Para kay Jeau di ako aalis. Tutuparin ko ang pangako.

Sasamahan ko siya hanggang sa matupad ang lahat ng pangarap niya.

Nagtext ako kay Jeau, nasa may parke na ako nagtatambay, ayokong bumalik saglit sa bahay. Bukod sa paghihintay ay nag-iisip rin ako sa lahat lahat.


Alas onse na pero wala pa si Jeau. Nagsimula akong mag-text sa kanya pero hindi ako nakatanggap ng reply mula sa kanya. Napangiti ako ng pait, unti-unti ng nawawalan ng oras si Jeau sakin at ayoko pang maisip at malaman pa ang pagbabago niya kasi..nagsimula na akong masaktan.

Alas dos na pero wala parin siya doon na ako napakimkim sa luha ko at balak nang umuwi. Wala akong mapapala sa kahihintay dito. Walang gana at tulala akong tumayo sa may bench, naglalakad nalang pauwi ng may sumigaw sa likuran ko. Nung una akala ko si Jeau pero si Prim pala.

Napakapit siya sa braso ko na nakahingal pa at ngumiti ng hindi ko maintindihan.

"Lei! Nakita rin kita!" masiglang usal niya at nakatitig lang ako sa kanya. Halata na talaga na wala ako sa sarili.


"Sinong kasama mo?" tipid na tanong ko at namukat ang mata niya sabay lingon sa likod ko.

"Nawala bigla si Hashmin baka may pinuntahan lang hehe." kakaibang kilos niya pa at tumango lang ako. "Tara samin ka samin!" anito.

"Saan."

"Ahmm ano gala lang! ano ba! kailangan magsaya sa kalagitnaan na kalungkutan!"

"Kayo nalang-"

"Ano kaba Lei!" hatak niya sakin, nabuntong ako at pinilit nalang magpahatak sa kanya. "Ang mga tao nabubuhay para magsaya!"

Napatitig ako sa kamay niya..hindi sa panghuhusga pero ang gaspang ng palad niya at may sugat ang braso niya.

"Talaga bang masaya ang buhay mo?" tanong ko bigla ng makasabay na kami sa paglalakad sa paghahanap kay Hashmin. Matagal siyang napasagot at ngumiti nalang rin sa huli.

"A-ano ba hahaha kaya nga magsaya! gagala tayo." sagot niya lang.

"Saan?" diretsang usal ko.

"Saan ba gusto mo?" aniya

"Wala akong maisip..sa mall nalang." usal ko at ngumiti siya, nakita narin namin si Hashmin na kakababa palang sa cellphone nito at ngumiti samin.

YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon