"Gusto niyang magpatuloy sa pangarap niya Lei. At kailangan niyang mamili." saad nito sakin na unti-unti ko ng nauunawaan ang ibig niyang sabihin. Napatitig ako kay Jeau at napaiwas siya sakin.

"Mag-uusap tayo mamaya Lei-".

"Ah." walang gana na sagot ko nalang. Ayokong magsalita pa sa kanila. Dahil yon palang ay alam ko na.

Habang patuloy silang nag-uusap ay nakatayo parin ako at hindi gumagalaw sa kinatatayuan. Gusto kong kausapin ako ni Jeau pero kahit manigas pa ako dito hindi niya balak ang lapitan ako.

"Alam mo Laurent, pwede ka namang mamili." kaswal na sabi ng babae at napangiting napainom ng wine si Jeau. Sa totoong lang nabwebwesit ako sa kanila. Wala akong ibang gawin kundi ang iwan sila at umakyat papunta sa kwarto.


Gulong-gulo ako hindi ko alam sino at ano ang uunahin kong problema na iisipin. Napahiga lang ako sa kama dama ng pagod nakatitig sa kisame. Paano ko sasabihin...Bakit parang may nagbago..

Napapikit ako ng mapansin ko na may kaunting butil ng luha ang lumabas mula sa mga mata ko at bumangon.

Hindi na ako kumain ng hapunan kahit na kinakatok na ako ng katulong nila Jeau. Mas may inuuna pa akong gagawin. Ipapasa na bukas ang lahat ng requirements ni Jeau..siya nalang ang matutulongan ko.


Narinig ko nalang na bumukas ang pinto at nandoon si Jeau nakatayo. Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko at hindi hinintay na malapitan niya ako sa halip ay ako pa ang nakaunang lumapit sa kanya sabay bigay ang folder. Matamlay at walang gana kong tinignan siya.

"Mag-usap tayo." Mahinang aniya pero umiling ako. Dala niya ang isang tray na pagkain na nailapag sa may maliit na lamesa sa gilid lang ng study table ko.

"May napili kana diba?" diretsa ko sa kanya. Nakapamulsa siya sa itim niyang pants at nagtingin-tingin sa paligid winawala ang usapan. Kung hindi siya makasagot.
"Ibig sabihin hindi ako ang pinili mo." mahinang usal ko sa harapan niya parang gusto ko nalang umalis sa bahay niya.


"Hindi yon ganon Lei."

"Yon na yon." putol ko at sinabayan siya sa pagtitigan. "Nakita ko ang mga pagbabago Jeau." wala naman talagang nagtatagal dahil ang tao nagbabago yan. "Ayos lang sakin." tipid na sabi ko.

Tumamlay ang tingin niya sakin at napayukong nakatitig sa sahig parang may aaminin na. Sa ngayon ay naghihintay lang naman ako sa anong sasabihin niya.

"Lei..-"

"I hate my name." sarkastikong tunog na sabi ko at nagsimula na akong kabahan. Napatitig parin siya sa mga mata ko at unti-unting ngumiti ng pilit.

"I hate myself too. Dahil kailangan kong pumili para sa sarili ko." aniya na nanginginig ng hawakan ang kamay ko. Napatitig lang ako sa kamay namin at iniintindi nalang ng dahan-dahan ang nasabi niya.

"Sinubukan ko lang gawin ang gusto ko..yung tipong desisyon ko naman ang masusunod."

"Ha?" pagbingi-bingihan ko kahit naiintindihan ko na ang sagot niya. "Bakit? hindi mo ba desisyon ang makasama ako sa buhay mo? yon ba yon?" kunot noong sabi ko

"Gusto ko ako naman. Sarili ko naman."

"Ibig bang sabihin non..wala na ako-"

"Nandiyan ka!" asik niya at kumalma naman agad. "Sorry...pero gusto ko nandoon ka, kasama kita palagi." pakiusap niya, napaisip ako sa narinig ko, kay ganda isipin pero hindi iyon ang magiging kinahinatnan.

Pilit nalang akong ngumiti sa nasabing desisyon niya at nagkunwaring napangiti.

"Masaya kaba talaga jan?" paglilinaw ko na sana magbago pa ang desisyon niya.

YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Where stories live. Discover now