"Stable naman siya yet huwag kayong mag-eexpect na maayos ang pakiramdam niya." Paliwanag ng doktor samin dito sa may labas ng pituan.





"Paano nangyari yon doc? Halos tatlong taon na ang operation hindi parin siya magaling kahit successful?" Nag-aalalang tanong ni tito bilang ama. Napahinga ng malakas ang doktor samin at napatingin sa relo bago kami hinarap.






"As I told you before Mr. Martinez, hindi siya fully magaling baka masyado niyang ginagamit ng lubos ang emosyon at katawan niya...kahit successful man ang transplant noon still kailangang magpahinga. Nasabi ko na sa inyo yon...well pinahinga niyo naman siya diba? Kahit six months?" Tanong pa nito samin at napamaang ng kaunti si tito..na ibig sabihin ay tama ang hinila ko ngayon.





Napatingin sakin si tito na parang nag-aalinlangan sa tanong. Wala man akong alam sa nakaraan noon ni Jeau pero sigurado akong hindi nila sinunod ang payo noon para kay Jeau dahil katatapos palang ng isang buwan ay pumasok na si Jeau sa Laurente at kampante na sa sakit. Simpleng payo lang naman yon ng doktor pero kung hindi masusunod ay malaki ang posibilidad na pwedeng ikakapahamak mo.




"Doc...gaya ng sinabi niyo noon pinahinga namin at inaalagaan pero hindi ganon katagal dahil gustong-gusto na ni Jeau makita ang labas, ang humalubilo sa mga tao...pagod na ang batang magtagal pa sa kwarto." Nasabi ni tito at napamiwang lang ang doktor sa kanya at huminga na unti-unti animoy mali parin ang sinabi ni tito.




"Mr. Martinez..mali parin ang naging desisyon niyo para sa anak niyo, sana pinahinga niyo man lang kahit anim na buwan..heart transplant isn't that easy, napaka-complicated ang ganyang sakit kaya dapat inaalagaan pa ng husto si Jeau. Kung maliit lang ang oras ang binigay niyong pahinga sa kanya noon at pinapasok niyo pa ng school ng diretso sa tingin niyo hindi napapagod ang katawan at puso ng anak niyo? Katatapos lang ng operasyon hinayaan niyo lang?..kahit tapos na ang pagagamot ay may chance parin na pwedeng maging failure ang transplant pwedeng may damage ulit ang heart due to over-using. Sana sinunod niyo nalang ang payo namin noon." Usal ng doktor at hindi makasagot si tito Joao dito dahil tama naman ang doktor at mali sina tito na hayaan nalang si Jeau pagkatapos. Hindi rin palaging nakababtay si tito kay Jeau dahil sa trabaho pero may mga nakabantay naman para kay Jeau kung ano ang pinaggagawa niya..ang problema dito ay baka si Jeau na mismo ang lumabag.






Napatingin ako sa may maliit na bintana ng pinto at nakita kong nakalatay na nga si Jeau na walang malay. Naawa ako at kinakabahan ng sobra para sa kanya, ang dami ko ng iniisip mula sa lola niya, kay Keir at ngayon para naman sa kalagayan niya diko kayang pagsabayin.






Nang pumasok kami sa silid ay agad akong umupo sa upuan at hinawakan ang kamay ni Jeau, napakalamig nito nanghihina rin ang boung mukha niya kahit labi ay namumutla. Nakadextrose at apparatus na nakalagay sa ilong niya. Nahihirapan siyang huminga.






"Jeau..gising na..sabay pa tayong magpapasko bukas." Napapaos na pukaw ko sa kanya. Hinawakan naman ni Tito ang isang kamay nito sa ibang banda at nakatitig sa anak.





"Jeau..lumaban ka..nag-aalala na ang lola." Anito at napapahid nalang ako sa luha kasabay ang pagbukas ng pintuan at nandoon ang boung pamilya ko, naabutan nila kaming naiiyak para kay Jeau.





"Lei..Joao.." tawag ni papa samin.





Nabalitaan na nila ang nangyari at siguro nabalitaan narin nila ang sitwasyon ng lola at kay Jeau. Si lolo naman ay pumunta sa kabilang silid kung saan sa I.C.U. ang silid ni lola Wa, tanging sekretarya at si lola lang ang nandoon ngayon rinig ko may pinag-usapan silang importante.






Di nagtagal ay pumasok naman ang dalawang nurse at isang doktor ngayon ay bago nasa paningin namin hindi yung kanina. Nakatingin ito sa sitwasyon ni Jeau at nagsusulat.





"Doc..anong result?" Tanong ni papa dito katabi si tito.
Umayos ang doktor sa kanila at tipid na ngumiti.




"Well matatagalan siya dito sa hospital. Kailangan niya pang magpagaling as the result showed up in his body napakahina na nito dapat hindi ito nililihim para mas maagapan pa sana ang lahat, kahit successful ang transplant 3 years ago kung hindi siya magpapahinga ng matagal ay mas gra-grabe ang mangyayari sa kanya. Kasalukuyang gumawa kami ng about sa puso niya..hindi siya lubusan ng magaling kung kinakailangan ay ooperahan pa siya namin at muling tignan ang puso, its not normal." Paliwanag ng doktor samin. Napatingin ako kay Jeau na walang malay napakatamlay at namumutla.





Yung tinatayo-tayo at pagiging malikot niya ay may dinaramdam na pala siya ng kakaiba. Napapahid parin ako sa mga luha. "Bakit ang hilig mong magtago Jeau.." nasabi ko nalang matapos malaman lahat ang kalagayan niya.





Nakatitig at bantay parin ako kay Jeau, wala akong ganang lumabas o kumain man lang. Ang daming iniisip ko sinong mag-aakala na si Keir rin pala ang heart donor niya ang taong akala ko iniwan ako ng tuluyan diko man lang alam na ganon rin ang sitwasyon ni Keir. Natagpuan ko nalang rin ang sarili na umiiyak para samin ni Keir, ang laki ng galit at sakit ang dinaramdam ko na hindi man lang inalam ang nangyari sa kanya. Napatitig ako kay Jeau na hindi parin nagigising.






"J-jeau..pakiusap..h-huwag kang sumama kay Keir..s-samahan moko.."nagkanda-utal-utal na  bulong sa may tenga niya.





"Lei kumain ka na." boses ni Miss Oblada ng pumasok siya. Namamaga ang mata nito bigla, hindi ko nalang pinansin at hindi umimik gusto kong bantayan si Jeau ayokong umalis. "Lei..kanina ka pang umaga di kumakain..mula sa pag-uwi niyo sa fieldtrip."




"Wala akong gana." Tipid na sabi ko at napapahid na naman ulit sa luha.




"Lei kailangan mo ring alagaan ang sarili mo..paano mo mababantayan si Jeau kung magkakaganyan ka?" Usal nito at napapikit ako at tumayo, sinunod ang sinabi niya sa huli ay siya na ang nagbantay kay Jeau at lumabas na ako.  Wala talaga akong ganang kumain ikaw ba naman ang nasa hospital. Napasinghap akong napasandal sa pader at nakatitig sa naka-ukit na I.C.U..una gusto kong pumasok at bisitahin ang matanda, tinalikiran ko nalang ito at bibili ng pagkain sa may labas na canteen.





Napakapa ako sa bulsa ng maramdaman na wala akong dalang pera. Nasa silid ng lola ni Jeau ang mga gamit ko. Naglakad ako pabalik doon para kunin ang wallet. Binuksan ko na ang pintuan pero di nila ako napansing nakapasok dahil sa mainit na usapan nila papan lolo at tito Joao kay Lola Wa. Akma kong kukunin nalang ang maliit na bag sa may di kalayuan ng pintuan at aalis na sana.





"Nagkakagulo ang lahat dahil sakin..kung di lang ako nakipagkita kay Viane hindi magagalit at maghihinala si Clara sakin...hindi pa sana maguguluhan sina Jeau at Lei ngayon." Boses ni tito. Hindi ako nakaalis ng tuluyan at tahimik lang na sumandal sa pader, hindi nila ako napansin dahil nasa likuran lang nila ako at abala sila sa usapan. Napahinto lang ako ng may narinig akong interesado.






"Ang gulo ng pamilya na ito...kung kinalimutan muna sana si Viane..Joao hindi mapapahamak ang buhay ng mag-ina mo." Usal ni Lola na parang may galit hindi naman nakapagsalita si tito kay lola.





"Bakit nasali naman si mama dito?" Biglaang sabi ko dahilan para mapalingon sila sakin na gulat. Ang gulo parang may hindi pa ako alam




"Hija.." nag-aalinlangan na tawag ni tito sakin.




"Lei!?" Tawag ni papa




"Tito Joao? Anong meron sa inyo ni mama?"






____________________________
Early ko na naupdate dahil 8 minutes nalang online class na kamiiiii😖🥴🥴🥴 ty see you

YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Where stories live. Discover now