Wakas

12 2 0
                                    

"Favorite ko itong simbahan na ito, Mahal."

Napatingin ako sa kanya. "Bakit?"

"Nasa pagitan kasi ito ng mga bahay natin. Para bang... kahit nasa magkabilang-dulo tayo, dito tayo magtatagpo."

Hindi ako sumagot. Binalik ko ang atensyon ko sa misa.

"Tingin mo... magandang magpakasal dito?"

"Oo."

"Dito tayo magpapakasal?"

Nanlalaki ang mga mata ko nang bumaling ako sa kanya. Nakangiti siya habang hinihintay ang sagot ko.

"Eh kung dito kaya kita sakalin?"

Napatakip siya ng bibig para pigilan ang pagtawa. Pinalo ko ang braso niya kaya umayos siya ng upo.

Pagkatapos ng misa ay kumain kami ng lugaw.

"May dadaanan muna tayo saglit," sabi niya habang nagmamaneho.

Tumango lang ako. Huminto kami sa seaside na lubos kong pinagtaka.

Bumaba kami sa sasakyan at tinanaw ang dagat.

Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Ipapakilala kita sa Ate ko." Humarap siya sa dagat. "Ate, kumusta? Kasama ko nga pala iyong future hipag mo, ang ace sa arnis, si Master Peitha Altamirano."

Napatingin ako sa dagat. Bigla kong naalala iyong kinuwento niya sa akin noon. Tungkol sa Ate niyang namayapa na.

"Miss ko na siya..." malungkot niyang sabi. "Hinatid ko pa siya sa cruise ship na sasakyan niya. Sabi niya, sunduin ko siya after 3 days pero lumipas ang buwan, hindi pa rin sila nakakabalik. Lumitaw iyong sasakyan pero wala siya ro'n."

"Ayaw kong isipin na may malalang nangyari sa kanya. Iniisip ko nalang na mukhang na-enjoy niya iyong bakasyon kaya hindi pa siya makaka-uwi."

Pinisil ko ang kamay niya. Bahagya siyang ngumiti tapos ay binaba ang ulo para ipatong ang baba niya sa balikat ko.

Malapit sa isa't isa ang pamilya nila kaya siguradong malungkot sila sa nangyari.

"Ate Clio..."

Napa-ayos siya ng tayo. Tinignan ko ang tinawag niya. Isang babaeng maiksi ang buhok kasama ang dalawang babae at dalawang lalaki.

"Jaffy... kumusta?"

"Ayos naman po." Tinuro niya ko. "Girlfriend ko nga po pala."

Bumati ako sa kanila at gano'n din sila sa akin.

"Binisita mo si Jeraldine?" tanong ng babaeng mukhang fashionista.

Nilapitan ng babaeng nagngangalang Clio si Mijares para tapikin sa balikat.

"I'm sorry kung hindi namin siya kasamang nakabalik."

"No, ako dapat iyong magsorry. I invited her," pagsingit ng isang babae.

"Huwag na po tayo magsisihan. Hindi po iyan magugustuhan ni Ate."

Saglit pa kaming nakipag-usap sa kanila bago kami nagpaalam na aalis na.

"Pakisagutan po itong logbook."

Si Mijares ang kumuha no'n at nagsagot. Ako naman ay nasa likod niya.

Napatingin ako sa babaeng katabi ni Mijares na nagsasagot din. Pasulyap-sulyap kasi siya, gano'n din ang mga kaibigan niya.

"Okay na po." Binalik ni Mijares ang logbook sa babae.

Gawa sa RattanWhere stories live. Discover now