Kabanata 13

8 2 0
                                    

"Para po!"

Pagkahinto ng jeep ay dali-dali akong bumaba at tumawid.

Sembreak pa rin pero mukhang ayaw ni Duchess na magpahinga sa practice. Sinabihan niya kami before pa magsembreak na may practice kami ngayon kaya heto, nasa school ako.

Imbes na dumiretso sa dance room ay sa arnis club room ako pumunta. Tinext kasi ako ni Coach kagabi na puntahan ko raw siya ngayon.

May sasabihin daw siya at wala akong ideya kung ano 'yon. Imbes na kabahan ay na-eexcite pa ko.

Weird ko 'di ba?

Napalingon ako sa field nang may mapansin akong mga tao roon. Nangunot ang noo ko nang makita si Mijares at ang kambal na nagte-training.

Nagpapasahan ng bola ang kambal habang si Mijares ay pinapatalbog ang bola sa ulo niya. Seryoso ang mga mukha nila na ngayon ko lang nakita. Pawisan na rin sila tanda na kanina pa sila riyan.

Hindi ako masyadong fan ng ibang sports kasi focus ako sa arnis kaya wala ako masyadong alam ang tungkol sa sepak.

Nakanood na ko ng sepak competition pero hindi ko pa napapanood sina Mijares na maglaro. Lagi naman silang panalo kaya alam ko na magaling sila.

Mula sa ulo ay ang tuhod na ni Mijares ang nagtatalbog sa bola. Salitan iyon sa magkabilang tuhod niya hanggang sa malakas niya iyong tinuhod kaya naman mataas din ang lipad sa ere.

Bigla siyang napatingin sa 'kin. Nagulat naman ako pero napalitan iyon ng tawa nang bumagsak ang bola sa ulo niya na hindi niya inaasahan.

Napahawak siya sa ulo niya at akmang pupulutin ang bola kaya naman napagdesisyunan ko nang umalis doon. Dali-dali akong pumunta sa club room namin.

Kapag nakita kasi ako no'n, mangungulit na naman 'yon.

Pagpasok ko sa room ay si Kuya Jason at ang trainer lang namin ang nandoon. Agad nila kong napansin.

"Pei!" Sinalubong ako ni Sir David. "Bakit hindi mo dala ang arnis mo?"

Nanungunot ang noo ko. "Bakit po? May training tayo ngayon?"

Tumawa silang dalawa at umiling.

"Hintayin natin si Coach, lumabas lang siya saglit."

Tumango ako bilang sagot. Nagkwentuhan kami roon hanggang sa dumating si Coach.

"Oh, nandito ka na pala," aniya. "Wala kang dalang arnis?"

"Kailangan po ba?"

Dapat kasi sinabi nila na magdadala pala ng arnis. Tss.

"Actually, Pei, kaya kita pinapunta ngayon ay dahil may pinabago ako sa groupings ng magpe-perform. Alam kong nasa Binasuan ka at marami na rin kayong na-practice pero gusto ko sana na ilipat ka."

Napatingin ko saglit kina Kuya Jason. "Eh bakit po? At saka, saan n'yo po ko ililipat?"

"Sa Anyo sana. Iyon ay kung okay lang sa 'yo."

Unti-unting na-stretch ang lips ko to form a smile. Iyong abot tainga.

"Coach... gustong-gusto ko ro'n! Sige po, ilipat n'yo na ko," excited kong sabi.

Gawa sa RattanWhere stories live. Discover now