Kabanata 19

11 2 0
                                    

"Ayan na si Pei!"

Napatingin ako kina Kuya Jason at Captain nang marinig ko ang pangalan ko. Kakalabas ko lang ng banyo para magpalit ng shirt.

Papalapit na ko sa kanila nang itulak ni Kuya Jason si Captain papalapit sa 'kin.

Napahawak sa batok si Captain dahil sa hiya. "Ahm... Captain..."

"Bakit?" tanong ko habang tinitiklop ang face towel na hawak ko.

Nagpractice kasi kami kanina para sa Anyo. Nagpalit ako ng damit dahil lunch time na. Ayoko namang kumain na nanlalagkit ako sa pawis.

"Gusto sana kita yayain—"

"Master!"

Hindi niya natuloy ang sasabihin nang may sumigaw. Napatingin kami kay Mijares na nagja-jog na papalapit sa amin.

Nakangiti siyang lumapit sa amin. Napahinga nalang ako ng malalim dahil nakatingin na ang mga ka-team ko sa amin. Mabuti na nga lang ay kakaunti lang sila ngayon.

"Ano?"

"Anomalya," pang-aasar niya. "Tara, lunch na tayo."

Lumagpas ang tingin ko sa kanya. Nasa labas sina Zuie at ang apat niyang kaibigan. Si Gale ay naglalakad na papalapit sa amin.

"Tara na, Pei," pag-aya ni Gale nang makalapit. Tumingin siya kay Coach tapos ay tinapat niya ang kamao niya sa kaliwang dibdib. "Magandang tanghali, Coach!"

Nagbow pa siya. In short, nagbigay pugay siya.

Saglit na tinignan lang siya ni Coach tapos ay masungit na tumango. Galit pa din siya sa amin eh. Buti nga 'di niya nalaman na uminom kami no'ng nakaraang araw.

"Arat na," sabi ko at papaalis na sana nang may humawak sa wrist ko.

"Sandali, Captain."

Bigla kong naalala na may sasabihin nga pala siya. "Ano nga iyong sasabihin mo?"

Magsasalita na sana siya pero may umepal na naman.

"Hoy! Bakit mo hinawakan si Master?!" gulat na tanong ni Mijares bago hawak ang isa ko pang wrist.

"Eh bakit mo rin siya hinawakan?!"

"Kasi hinawakan mo siya!"

"Eh 'di bumitaw ka na!"

"Bakit hindi ikaw ang mauna?!"

"Hoy!" saway ko kay Mijares. "Manahimik ka nga."

Napanguso siya. Hindi ko na siya pinansin at bumaling nalang kay Captain.

Nakakagulat na marinig na makipagsagutan siya ng gano'n. Palagi kasi siyang kalmado.

"Sabihin mo na, Captain," sabi ko. Medyo ginalaw ko ang dalawa kong kamay para bitawan nila pero walang bumitaw.

"Ahm..." Tumikhim siya. "Gusto sana kitang—I mean, kayo nina Zuie at Gale na ayaing maglunch sa Grandmaster Milktea Shop."

Gawa sa RattanWhere stories live. Discover now