Kabanata 46

5 2 0
                                    

"10-minute break!"

Napatingin kami ni Gale kay Coach. Uminom ito ng tubig, gano'n din ang ginawa ng mga ka-team namin.

Nasa clubroom kami. Tanging mga lalaki lang ang may training dahil laban nila bukas.

Kami ni Gale ay nandito lang para tumambay. Nanonood lang kami ng videos sa isang tabi.

"Pagod na ko... pagod na pagod na ko..." exhausted na sabi ni Zuie tapos ay pabagsak na umupo sa tabi ko.

Itinukod niya ang kamay sa sahig habang hinahabol niya ang hininga. Inabutan ko siya ng tuwalya habang tubig naman ang inabot ni Gale.

"Manonood si Tita Melody sa laban n'yo bukas?" tanong ni Gale.

Uminom muna si Zuie bago tumango. "Gusto pa ngang isama sina Johann."

"Talaga? Kasama sila?" excited kong tanong.

"Hindi ako pumayag. Sobrang likot ng mga iyon, baka makigulo sila habang naglalaro ako."

Nagtawanan kami. Na-iimagine kong hindi imposibleng gawin iyon nina Johann.

Pumalatak si Zuie. "Ayan na naman siya."

"Sino?" sabay naming tanong ni Gale.

"Si Vanya. Huwag n'yong titignan—"

Nahuli siya sa pagpapaalala. Pagkasabi palang niya ng pangalan ay sabay na kaming lumingon ni Gale sa pinto.

Si Vanya nga iyon na naglalapag ng gatorade at tubig sa gilid ng pinto. May dala rin siyang bola ng sepak.

Pasimple siyang sumusulyap sa lob habang pinapa-ikot sa daliri niya ang bola. Padaan-daan siya at halata namang may hinahanap dito sa loob.

"Anong ginagawa niya? Ang weird," puna ni Gale.

Ang weird naman talaga dahil maglalakad si Vanya hanggang malagpasan ang clubroom tapos ay babalik na naman siya. Tapos uulitin niya.

Sa muling pagbalik niya ay napatingin na siya sa gawi namin. Naramdaman kong umikot si Zuie kaya likod nalang niya ang makikita ni Vanya.

Ngumiti siya sa amin. Kahit naguguluhan ay nginitian ko na rin siya. Si Gale ay kinunutan siya ng noo.

Bahagyang kumaway sa amin si Vanya na tinanguan ko lang. Akala ko ay babalik pa siya pero tuluyan na siyang umalis.

"Ano iyon? Para siyang timang do'n sa labas kanina," natatawang sabi ni Gale.

"Hinahanap niya yata iyong crush niya."

"Hindi naman siya masyadong halata ah."

"Zuie..." Napatingin kami kay Captain. May inaabot siyang gatorade at tubig kay Zuie. "Para sa 'yo yata 'to."

Napangiwi si Zuie. Buntonghininga niyang tinanggap ang mga hawak ni Captain.

"Mukhang napapadalas ang pagtanggap mo nyan ah," nakangising sabi ni Captain na naki-upo na rin sa amin.

"Iyan ba iyong..." Nabitin ang sasabihin ko dahil paglingon ko sa gilid ng pinto ay wala na ro'n ang mga nilagay ni Vanya.

"Para sa 'yo iyan?!" gulat na tanong ni Gale.

Zuie sighed before nodding. Napasinghap naman kami ni Gale.

Napansin ko ang mga sticky note na nakadikit sa bote. "May note oh..."

Agad na kinuha ni Gale ang mga iyon at binasa.

"Hi, Zuie. Galingan mo sa training. Laban!" Napangiwi si Gale pero binasa pa rin niya ang isa. "Keep yourself hydrated!"

Gawa sa RattanNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ