Kabanata 54

4 2 0
                                    

"Ang lamig!"

Napahinto ako sa paglalakad nang makita ang isang pamilyar na tao na kakapasok lang sa pinto ng ospital. Tinitiklop nito ang basang payong.

Nagpupunas siya ng paa nang lapitan ko. "Hoy!"

Muntik siyang mapatalon sa gulat. Nang lingunin niya ko ay nanlaki ang mga mata niya.

"Ate! Ikaw pala iyan. May payong ka ba? Ang lakas ng ulan sa labas oh."

Humalukipkip ako. "Anong ginagawa mo rito?"

"Syempre, bibisitahin ko si Kuya! Galing ka ba ro'n?"

"Wow ka ha! Dinayo mo pa talaga rito si Mijares. Ayos lang siya, hindi naman malala iyong lagay niya."

Napasimangot siya. "Bakit ba? Gusto ko siyang bisitahin eh."

"Close na close talaga kayo eh 'no?"

"Oo naman. Brother-in-law kami eh," nakangisi niyang sabi.

Hilaw akong ngumiti habang tumatango-tango.

"Brother-in-law mo mukha mo," I scoffed. "No'ng na-ER ako last year hindi mo na nga ko pinuntahan, inasar mo pa ko."

"Iyong sumakit tyan mo? Eh dahil sa katakawan mo naman kasi iyon, buti nga sa 'yo. Iba iyong kay Kuya ngayon."

"Ah gano'n?"

Pinaulanan ko siya ng palo pero ang loko ay nakaka-iwas.

"Ano ba, Ate! Nakakahiya ka ah." Pinagpagan niya ang medyo basa niyang uniform. "Alis na nga ko."

Bago siya maka-alis ay hinatak ko ang bagpack niya. Magrereklamo dapat siya pero inunahan ko.

"Wala kang klase? Training? Nagpaalam ka ba kay Mamay?"

Natigilan siya tapos ay hilaw na tumawa. "Babalik din naman agad ako sa school, Ate. Saglit lang naman ako rito."

"Hmm. So, may klase or training ka nga. Tapos hindi ka pa nagpaalam kay Mamay. Anong gusto mong mangyari sa 'yo ngayon?"

"Ate naman eh! Saglit lang naman!"

Pilit siyang kumakawala pero hindi ko pa rin binibitawan.

"Umuwi ka na kung 'di iko-confine ka rin dito."

Nagpapapadyak siya sa inis. Hahatakin ko na dapat palabas pero hinubad niya ang bag niya kaya nakawala siya.

"Hahagis ko sa labas itong bag mo," pananakot ko nang akmang aalis na siya.

"Isusumbong kita kay Mamay."

"Ako pa isusumbong mo? Eh ikaw nga itong pumupunta rito nang hindi nagpapaalam sa kanya. Tapos tumakas ka pa sa training! Ako na naman hihingi ng pasensya sa Coach mo!"

Hindi ko na napigilan ang boses ko na mapalakas. Kinuha ko ang arnis ko sa bag tapos ay humanda nang atakihin ang kapatid kong nuknukan ng tigas ang ulo.

"Hoy, ano iyan? Nasa ospital tayo, Ate!"

"Tamang-tama para magamot ka kaagad."

Pumalo ako pero ang hangin lang ang natamaan. Mabilis kasing naka-ilag si Pochi at lumapit sa bag niya tapos ay kinuha ang arnis doon.

"Sige, may panglaban na ko," aniya habang nakatutok sa akin ang arnis niya.

Sinutsutan kami ng guard. "Bawal iyan! Bawal n'yong gawin iyan dito!"

"Ayan, Ate, lagot ka!"

"Doon tayo sa labas."

"Anong sa labas? Umuulan nga eh—Kuya!"

Gawa sa RattanWhere stories live. Discover now