Kabanata 21

9 2 0
                                    

"Mag-i-start na tayo in five minutes!"

Habang ang ilan ay halos aligaga na sa pag-aayos ay chill lang akong nakatayo sa isang tabi habang nilalaro ang arnis ko.

Wala naman akong dapat ayusin eh. Uniform lang ng team namin ang suot ko, tapos nakaponytail lang ako.

Hindi na ko nag-abala pang magmake-up dahil hindi naman ako marunong.

"Pei." Nilapitan ako ni Jodi tapos ay humawak sa braso ko. Lumilinga-linga siya. "Nakita mo si Gale?"

Umiling ako tapos ay luminga-linga rin. "Hindi. Wala rito iyong mga nasa Kuratsa kaya baka magkakasama sila. Tignan mo ro'n."

Tinuro ko ang isang direksyon. Hindi ko sure kung nandoon talaga si Gale pero nakita ko kasi iyong dalawang ka-group niya na pumunta roon.

"Ahh, sige. Salamat!"

Agad naman siyang pumunta sa tinuro kong direksyon. Kung wala roon si Gale, hanapin nalang niya sa iba.

Kahit si Zuie nga hindi ko alam kung nasaan.

"Captain."

Ngumiti ako kay Captain. "Nasaan si Kuya Jason?"

"Nagpapapogi pa." Natawa kami sa sinabi niya.

Parehas kami ng suot ni Captain. Naka-ayos ang buhok niya kaya ang linis niyang tignan.

Hindi ko naman itatanggi na may itsura si Captain. Cute siya lalo na kapag nakangiti dahil sa dimples niya.

Marami ring nagkakagusto sa kanya kahit pa may pagkasuplado siya.

Kaso kung ikukumpara siya kay Zuie, mas pogi talaga iyong kaibigan ko. Seryoso, gwapo talaga si Zuie. Walang halong biro.

May american-blood, thai-blood, at japanese-blood kaya ang gwapo talaga. Kalat kaya ang mukha niya sa internet. Ginagamit na profile pic ang mukha niya ng mga dummy account. Akala kasi foreigner.

"Cute mo talaga riyan sa uniform natin."

Napangisi ako. "Wala akong lima rito."

"Kahit dos nalang."

I chuckled. Hindi kasi ako sanay na tumatanggap ng papuri tungkol sa itsura ko kaya mabuti nalang na hindi niya pinipilit at sumasakay nalang kapag nilihis ko na ang usapan.

"May ibibigay nga pala ko."

Kinuha niya ang kamay ko. Nakita ko ang pang-ipit sa wrist niya na pinasa niya sa 'kin nang hindi ako binibitawan.

Inilapit ko sa mukha ko ang pang-ipit na binigay niya. Kulay itim iyon na may magandang garter, ito iyong hindi agad lumuluwag. May pendant iyon na isang moon... or letter C?

Hindi ko sure kasi patusok iyong dulo kaya baka moon or pwede ring 'C'. Makulay ang pendant kaya ang cute tignan.

"Para saan 'to?" tanong ko.

Napahawak siya sa batok niya. "Wala... gusto ko lang ibigay. Mukhang bagay kasi sa 'yo."

I smiled. "Ano ba 'to, moon or 'C'?"

Gawa sa RattanWhere stories live. Discover now