Kabanata 51

4 2 0
                                    

"Ano bang gusto mong gawin?"

Natahimik siya sa tanong ko. Nagulat nalang ako nang maramdaman ang pagtulo ng mainit na likido sa manggas ng damit ko.

"Hindi ko alam..." he cried.

Tuluyan na siyang umiyak. Tinakpan niya ng palad niya ang mukha niya at doon umiyak.

I sighed. Inabot ko ang balikat niya tapos ay bahagyang tinapik-tapik.

Ang sakit. Hindi ko alam kung bakit at paano pero parang may sumasaksak sa puso ko sa bawat hikbing naririnig ko mula sa kanya.

"Hindi ko alam kung anong ibibigay kong payo pero... alam kong makakahanap ka pa ng ibang paraan. Kung hindi man... tutulungan kitang gumawa ng 'ibang paraan'."

Hindi siya sumagot, tahimik lang siyang umiyak. Namalayan ko nalang na nakayakap na siya sa baywang ko habang umiiyak sa balikat ko.

Ang hirap makita sa ganitong sitwasyon ang isang tao na nakilala mong masayahin. Pero patunay lang ito na kahit gaano pa ka-cheerful, masayahin, at palangiti ang isang tao ay nakakaranas at nakakaramdam pa rin siya ng lungkot sa buhay.

Isa sa pinakamahirap na sitwasyon sa buhay ay ang mamili sa dalawang bagay na parehong mahalaga sa 'yo. May isa na ngang masasaktan kapag may pinili ka, pati ikaw na pipili ay masasaktan.

At bilang atleta sa loob ng mahigit 10 years, hindi gano'n kadali na iwanan ang sports na naging parte na ng buhay ko. Pero mas mahirip na magkaroon ng lamat sa pagitan ng ating mga magulang.

Napatingin ako kay Mijares na mukha namang tumahan na dahil hindi ko na naririnig ang impit niyang mga hikbi.

Mula sa balikat niya ay inangat ko ang kamay ko sa likod ng ulo niya. Madalas ko siyang batukan dahil sa kakulitan niya pero ngayon ay marahan kong siyang hinahaplos.

Natatandaan kong ganito rin ang ginawa niya sa 'kin noon na kahit papaano ay nagpagaan sa loob ko. Baka sakaling effective rin sa kanya.

"Salamat... sa pakikinig," mahinang aniya.

"Wala iyon. Wala nga kong naipayo eh."

He chuckled. "Pero napagaan mo iyong loob ko..."

Hindi ako nagsalita. Gano'n pa rin ang pwesto namin.

"Master, sorry... nabasa iyong damit mo."

"Ayos lang iyan." Pumalatak ako. "Huwag mo na ngang intindihin iyan. Umiyak ka nalang ng umiyak diyan."

He chuckled. "Hindi na ko umiiyak."

Tinigil ko ang paghaplos sa buhok niya. "Hindi na pala. Eh 'di humiwalay ka na, umayos ka na ng upo."

Bahagya siyang natawa bago hinigpitan ang pagkakayakap sa 'kin. Inangat niya ang ulo niya kaya nakapatong na ang baba niya sa balikat ko.

"Hoy! Anong ginagawa mo?"

Sobrang lapit niya sa 'kin. Amoy na amoy ko ang pabango niya at ramdam na ramdam ang init ng katawan niya.

Iyong puso ko... nagwawala na naman.

"Naiiyak pa pala ko, payakap muna."

Pinalo ko iyong likod niya. "Tigilan mo nga ko! Kahit kailan puro ka kalokohan."

Malakas siyang natawa. "Ganyan palagi ang sinasabi sa 'kin ni Nanang."

"Eh totoo naman! Bitaw na!"

Nakangiti siyang bumitaw. Kita mo itong taong ito, kanina ang lungkot-lungkot tapos ngayon nakakaloko na naman ang ngisi.

But atleast, maaliwalas na ang mukha niya.

"Nasabi ko na ba na ang cute mo, Master? Kahit anong mood ko, napapasaya mo ko."

Gawa sa RattanWhere stories live. Discover now